Isang maikling salaysay tungkol sa isang tunay na tao o pangyayari na inilahad sa paraang nakakatawa o nakamamangha at may layuning magbigay-punto
Anekdota
Nagmula ito sa salitang Griyego "anekdota" na nangangahulugang "mga di-inilathalang bagay"
Gamit ang anekdota upang hikayatin ang tagapakinig, magsilbingpangganyak sa isang mas mahabang diskurso, suportahan ang isang puntongnaisipaunawa, o simpleng magbigay-in-termisyon sa isang mahaba at nakababagot na talakay
Uri ng Anekdota
Nagpapatawa
Gumugunita
Pilosopikal
Inspirasyonal
Nagbababala
Anekdotang nagpapatawa
Nagdaragdag ito ng katatawanan o pang-aliw sa paksang tinatalakay
Anekdotang Gumugunita
sinasariwa nito ang isang pangyayari sa nakaraan na napapanahong ikuwento
Anekdotang Pilosopikal
layon nitong pagnilayin o papag-isipin nang mas malalim ang mga tagapakinig tungkol sa paksang tintalakay
Anekdotang Inspirasyonal
layon nitong magbigay pag-asa at lumikha ng iba't ibang positibong damdamin sa mga tagapakinig
Anekdotang Nagbababala
nagbibigay ito ng babala sa mga tagapakinig tungkol sa mga panganib o pinsala ng paksang tintalakay