ISYU SA PAGGAWA

Cards (14)

  • Haligi ng Empleyo ay ang tiyakin na isinagawa ang mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na bahay-pagawaan para sa mga manggagawa.
  • Haligi ng Karapatan ng Manggagawa ay ang naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
  • Haligi ng Panlipunanang Kaligtasan ay ang hikayatnang mga kompanya, pamahalaan, at mga kasama sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod, at oportunidad.
  • Haligi ng Kasunduang Panlipunan ay ang palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
  • KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA IBA’T-IBANG SEKTOR
    Sektor ng Agricultura
    ·         Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pag-angkat ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.
  • Sektor ng Industriya
    ·         Lubos ding naapektuhan ng pagpasok ng mga Transnational Corporations (TNCs) at iba pang dayuhang kompanya sa sektor ng industriya bunsod din ng mga naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong pinansyal.
  • Sektor ng Serbisyo
    ·         Ang   sektor   ng   serbisyo   ay   masasabing   may   pinakamalaking   bahagdan   ng manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung taon. Ang paglaki ng bahagdan o bilang ng mga manggagawa sa sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilpino.
  • Kontraktuwalisasyon o "Endo" Ang mga manggagawa ay hindi binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyo tulad ng mga regular na manggagawa
  • Job-Mismatch
    ·         Ito ay tumutukoy sa isang kalagayan sa paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o pinag-aralan nito.
  • Mura at Flexible Labor
    Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa
  • Mababang Pasahod
    Ito ang mababang pagpapasahod ng mga kapitalista sa mga manggagawa ngunit gumugugol ng mahabang oras sa pagtatrabaho
  • Unemployment
    ·         Ito  ay  nangyayari  kapag  ang  mga  tao  ay  walang  trabaho  ngunit  aktibong naghahanap ng trabaho.  Ito  ay  isang  kondisyon  kung  saan  ang  mga  manggagawa  ay  walang  makita  o mapasukang trabaho.
  • Underemployment
    ·         Ang isang manggagawa ay maaaring  isaalang-alang  na  walang  trabaho  kung may hawak silang isang part-time na trabaho sa halip na isang full-time na isa, o kung sila ay labis na kwalipikado at may edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas sa mga kinakailangan ng trabaho.
  • Batas ng Pangulo Blg. 442
    ·         Batas na nagtatakda ng Kodigo sa Paggawa
    Commonwealth Act Blg. 444
    ·         Ang unang batas ukol sa walong oras ng paggawa
    Batas Republika Blg. 1933
    ·         Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga manggagawa