Tula - isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng isang tao gamit ang maririkit na salita.
Elemento ng Tula
Tugma
Sukat
Talinghaga
Paksa/Kaisipan
Larawang Diwa
Tono
Parte ng Tula
A) Taludtod
B) Saknong
C) Sesura
Tugma - pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula
Tugmaang Patinig - pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig. (a,e,i,o,u)
Tugmaang Katinig - pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig
Sukat - bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang mga tradisyonal na anyo ng tula ay may sukat na 12, 14, 16. Kung lalabindalawahin ang sukat, ang sesura o hati ay nasa ikaanim na pantig.
Paksa/Kaisipan - mga nabubuong kaalaman o kaisipan, mensahe, pananaw, saloobin na nais iparating.
Imahen/Larawang Diwa - nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto na nais ipakahulugan.
Tono - damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot pagkatuwa, pagkagalit, at iba pa.
Tulang Liriko - nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin ang makata. Direktang ipinapahayag ng manunulat ang kaniyang damdamin. Ang mga halimbawa nito ay ang awit, soneto, oda, elehiya, at dalit.
Tulang Pasalaysay - isang tula na may balangkas. Maaring maikli o mahabat at ang kuwento na may kaugnayan sa maaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ang mga uri ng tulang pasalaysay ay ang epiko, awit at korido.
Tulang Patnigan - isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangangatwiran at matalas na pag-iisip. Ang mga uri nito ay balagtasan, karagatan, duplo at batutian
Tulang Pantanghalan o Padula - karaniwang itinatanghal sa teatro. Binibigkas ito kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin