Filipino 6, 2nd quarter examination

Cards (18)

  • Pang uri- isa sa mga bahagi ng pananalita na ginagamit sa paglalarawan sa pangalan o panghalip.
  • Pang-Uring Panlarawan
    Pang-Uring naglalarawan sa, Kulay, lasa, amoy, laki, lawak at iba pang katangian
  • Pang-Uring Pamilang
    Pang-Uring ginagamit ng bilang sa paglalarawan sa pangalan o panghalip
  • Pang-Uring Pantangi
    Ito ay gumagamit ng tiyak na ngalan o pangalang Pantangi sa paglalarawan sa pangalan o panghalip
  • *Kailanan ng Pang-uri*
    Isahan- Isang tao lamang ang tinutukoy.
    Dalawahan- Dalawang tao lamang ang tinutukoy.
    Tatluhan- Tatlo o higit pang mga tao ang tinutukoy.
  • *Kayarian ng Pang-uri*
    Payak- Binubuo ng salitang-ugat lamang at walang panlapi.
    Maylapi- Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.
    Inuulit- Binubuo ng salitang-ugat, panlapi, at pantig na inuulit.
    Tambalan- Ito ay Binubuo ng magkaibang salita, at kapag pinagsama ay bumubuo ng bagong kahulugan.
  • *Antas ng Pang-Uri*
    Lantay- Naglalarawan lamang.
    Pahambing- Naghahambing ng dalawang pangalan o panghalip.
    Pasukdol- Naghahambing ng Tatlo o higit pang pangalan o panghalip.
  • Pandiwa- Isa sa mga walong bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw.
  • *Aspekto ng Pandiwa*
    Naganap- Ito ay nangyari na o naganap na.
    Nagaganap- Ito ay nangyayari o nagaganap ngayon, ito rin ay pwedeng habitwal na ginagawa.
    Nagaganap- Ito ay mangyayari pa lamang o gagawin pa lamang.
    Neutral- Ito ay walang tiyak na oras kung kailan gagawin ang kilos.
  • Pang-Abay- ito ay nagbibigay turing sa Pandiwa, Pang-uri, o kapwa pang-abay
  • Pang-Abay na Inklitik- Ito ay mga katagang walang kahulugan kapag nag-iisa pero nagpapabago sa kahulugan.
  • *Uri ng Pang-Abay*
    Pang-Abay na Pamanahon- Ito ay nagsasaad ng panahon, ito rin ay sumasagot sa tanong na kailan naganap/nagaganap o magaganap.
    Pang-Abay na Pamaraan- Ito ay sumasagot sa tanong na paano/paraan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang Pandiwa sa pangungusap.
    Pang-Abay na Panlunan- Ito ay sumasagot sa tanong na Saan/ Saan naganap, nagaganap o magaganap ang Pandiwa sa pangungusap.
  • Sanhi at Bunga.
    Sanhi- Bahaging nagsasaad. ng dahilan ng pangyayari.
    Bunga- Ito ang kinalabasan, resulta, kinahinatnan o epekto ng pangyayari.
  • *Pagsulat ng Liham*
    Liham na Pormal- Pinag-Aaralan, puspusang pananaliksik, kailangan ng pag-aaral, maayos na pagkakabuo.
    Liham na Di-Pormal- May kalayaan ang manunulat na talakayin ang paksang kaniyang nanaisin. Walang tiyak na balangkas at pansarili.
  • Uri ng Sulating Pormal-
    1. Liham Pangangalakal
    2. Panuto
    3. Memorandum
    4. Plano
    5. Proposal
    6. Patakaran
    7. Mga Tuntunin
    8. Advertisement
    Uri ng Sulating Di-Pormal
    1. Sanaysay
    2. Dayari o Talaarawan
    3. Shopping List
    4. Pagbati
    5. Tala
    6. Talambuhay
    7. Mensahe
    8. Dyornal
    9. Liham
    10. Dayalogo
    11. Email
  • Uri ng Liham Pangangalakal (Pormal)
    1. Bumibili ng Paninda
    2. Nag-Aaplay ng Trabaho
    3. Nagrereklamo
    4. Nagpapareserba ng matutuluyan.
    5. Nagmumungkahi
    6. Patnugot
  • Bahagi ng Liham Pangangalakal
    1. Pamuhatan
    2. Patunguhan
    3. Bating Panimula
    4. Katawan ng Liham
    5. Bating Pangwakas
    6. Lagda
  • Uri ng Liham Pangkaibigan (Di-Pormal)
    1. Liham Pakikiramay
    2. Liham Pagbati
    3. Liham na Humihingi ng Paumanhin/Patawad
    4. Liham na Nagiimbeta
    Bahagi ng Liham Pangkaibigan
    1. Pamuhatan-Date/Petsa/Address
    2. Bating Panimula- (Kuwit)
    3. Katawan ng Liham-Sasabihin
    4. Bating Pangwakas- (Kuwit)
    5. Lagda-Pangalan ng nagsulat.