Kompan 2nd quarter

Cards (38)

  • KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
    ·       Linguistic competence
    ·       Nauukol sa kasanayan o kahusayan sa paggamit ng wika na ipinahihiwatig ng wastong gamit ng mga salita na angkop sa mensaheng ibig iparating
  • ·       Kakayahang Linguwistiko
    • Michael Merill Canale at Swains
    1980-1981
    ·       Kakayahang Gramatikal
    Chomsky 1965
  • KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO: ·       Tumutukoy sa kaalamang leksikal at pagkaalam sa tuntunin ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantics
  • Ponolohiya o Palatunugan
    Maagham na pag-aaral ng mga makabuluhang tunog (ponema) na bumubuo ng isang wika.
     
  • Ponemang segmental - makabuluhang tunog sa Filipino.
    Halimbawa:
    bata (child)
    banta (threat)
  • ·       Ponemang suprasegmental - pantulong sa ponemang segmental upang higit na maging mabisa ang paggamit ng 28 ponemang segmental sa pakikipagtalastasan at upang higit na maging malinaw ang kahulugan
  •      Morpolohiya o Palabuuan
    Makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pinakamaliit na yunit ng isang salita o morpema.
  • morpema:   pinakamaliit na yunit ng isang salita
  • ~   Sintaks
    Ito ay tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap
  • karaniwan: panag uri + simuno
  • kabalikan: simuno + panag uri
  • Ang semantika ay tumatalakay sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga morpema, salita, parirala, at pangungusap
  • Denotasyon: literal na kahulugan
    Konotasyon: ang nais iparating
  • KOMUNIKATIBO
    - batay sa kausap
    • batay sa pinag uusapan
    • batay sa lugar
    • batay sa panahon
    • batay sa layunin
  • Ang Kakayahang Pragmatiko ay mabisang paggamit ng yaman ng wika upang makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugan na nais iparating
  • Ayon kay Jocson (2016), ang bawat pahayag o pangungusap ay nagtataglay ng dalawang bahagi: kung ano ang sinasabi at kung ano ang ipinahihiwatig
  • ~   Kritikal na sanaysay 
    Ang isang kritikal na sanaysay ay ang pagsusuri ng isang akda, na maaaring maging isang libro, isang pelikula, isang artikulo o isang pagpipinta
  • MGA KATANGIAN NG KRITIKAL NA SANAYSAY:
    1. Central Claim
    2. Katibayan
    3. Konklusyon
  • HAKBANG SA PAGGAWA NG KRITIKAL NA SANAYSAY
    1. Tukuyin ang iyong pangunahing argumento.
    2. Magbigay ng maikling background para sa iyong mga mambabasa
    3. Lipunin ang mga ebidensya na sumusuporta sa iyong argumento.
    4. Gamitin ang katawan ng iyong sanaysay upang matalakay ang mga punto ng iyong argumento.
    5. Isaalang-alang ang ibang mga pananaw para malaman mo ang kalakasan at kahinaan ng iyong pananaw o argumento.
    6. Bumuo ng malinaw na konklusyon.
    7. Suruin muli ang iyong sanaysay upang masigurado na tama ang iyong mga inilagay na impormasyon at mga pangungusap.
     
  • IBA'T IBANG PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKA NG IBA'T IBANG GRUPONG SOSYAL AT KULTURAL SA PILIPINAS
    1.Panghihikayat
    2.Pag papahayag ng damdamin
    3.Pakikipag ugnayan
    4.Paggamit bilang sanggunian
    5.Pagbibigay kuro kuro
    6.Patalinghaga
  • AYON KAY JOCSON (2016) ANG DAPAT ISALANG-ALANG SA PAGSULAT NG KRITIKAL NA SANAYSAY AY ANG MGA SUMUSUNOD:
    1. Kaisahan ng Tono;
    2. Maayos na pagkakabuo;
    3. Matalinong pagpapakahulugan
    4. Tema at nilalaman;
    5. Anyo at estruktura;
    6. Wika at estilo;
    7. gumagamit ng wika sa bawat sosyal at kultural na pangkat
  • Sitwasyong Pangwika?
    ~   Ito ay ang kalagayan ng wikang ginagamit ng isang bansa.
  • Pelikula
    Isang larangan na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan bílang isang anyo ng sining o bílang bahagi ng industriya ng libangan
  • Dula: ~   hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos
    ~   isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapanapanabik na bahagi ng búhay tao
  • Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar
  •   Sa Pula sa Puti ni Soc Rodrigo
  • Sarimanok ni Patrick C. Fernandez
  •   Karaniwang Tao ni Joey Ayala
  •   Anghel ni Noel De Leon
  • ~   Ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang mas maraming  manonood, tagapakinig, o mambabasáng makauunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa, at babasahin upang kumita sila nang mas malaki.
  • Nasasalamin ang bawat wikang ginagamit sa mga Pelikula at Dula sa kultura na mayroon ang isang bansa at upang makapagpahayag ng isang damdamin
  • Ang ating wika ay may iba’t ibang barayti
    ~   pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan,
    ~   heograpiya
    ~   antas ng edukasyon
    ~   okupasyon
    ~   edad at kasarian
  • Ang ating wika ay may iba’t ibang barayti
    ~   pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan,
    ~   heograpiya
    ~   antas ng edukasyon
    ~   okupasyon
    ~   edad at kasarian
    uri ng pangkat-etniko na ating kinabibilangan
  • Dayalek: ~   salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.
  • Idyolek: Bawat indibidwal ay may sariling estilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.
    Halimbawa:
     “Kabayan”Noli De Castro
  • Sosyolek: ~   Minsan ay tinatawag na “sosyalek”.
    ~   Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
  • Etnolek
    ~   Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
  • Register o Rehistro
    ~   Minsan sinusulat na “rejister” at ito ay barayti ng wikang espesyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn.
    ~   Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika sa mga terminong may kaugnayan sa mga trabaho o iba’t ibang hanapbuhay o larangan.