Gamit ng Wika

Cards (11)

  • Wika bilang repleksiyon ng panlipunang pangangailangan at konteksto ni Malowski: Ang tungkulin ng wika ay nalilikha alinsunod sa gamit nito sa isang partikular na kultura (batay sa kultural na aspekto)
  • Konteksto ni Malowski: Bahagi ng Kulturang Pilipino ang pagiging magalang (po, opo, at paki), text messaging (pinaikli ang baybay), lugar-iskwater (wika sa balbal na paraan), paaralan (pormal na wika)
  • Prinsipyo ng sitwasyonal na konteksto ni Firth (1957): Ang gagamiting mga pahayag ay ayon sa konteksto ng sitwasyon. Pagsusuri sa mga kalahok, Berbal at Di-berbal na pahayag na idinikit sa konteksto, at epekto ng paraan ng komunikasyon. Sinusuri ang mga kalahok, konteksto, at epekto.
  • Teorya ng panlipunang gamit ng wika ni M.A.K. Halliday: may panlipunang papel na ginagampanan ang wika upang maglinaw ng kahulugan batay sa mga tiyak na layunin at panlipunang konteksto. Instrumental, Regulatori, Heuristiko, Interaksyonal, Personal, Imahinatibo, Representatibo
  • Instrumental: wika para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapagsalita. nagagamit ang wika sa paglilinaw at pagtitiyak ng mga pangangailangan, naiisip o nararamdaman
  • Regulatori: wika upang makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa kausap o sinuman sa kaniyang paligid. Kakayahan ng wika na makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng iba. Pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo
  • Heuristiko: nagtatanong, sumasagot, o dumadaloy ang isang pamumuna bilang pagkilos ng isang indibidwal. paghahanap ng impormasyon, pagdududa, o pagbuo ng palagay
  • Interaksyonal: layuning makipagkapwa, paggamit ng mga katangiang paralingguwistiko, pares ng kilos, tuon ng mata, at galaw ng katawan. nagpapanatili o nagpapatatag ng relasyong sosyal
  • Personal: pagpapahayag ng sariling identidad o pagpapakilala ng personalidad. nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
  • Imahinatibo: wika sa malikhaing paraan; upang magkuwento, biro, at lumikha ng imahinariyong kapaligiran o bagong daigdig. Masining na paglalahad
  • Representatibo: paglalahad ng impormasyon, datos, at nakalap na ideya na nirerepresenta sa iba't ibang paraan. Pagbibigay ng interpretasyon at paglalahad ng natuklasang ideya, konsepto, at kaisipan. Nagpapahayag ng komunikasyon