Buod. Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos
Buod. Nakatutulong ang pagbubuod sa paglilinaw sa lohikal at kronolohiya ng mga ideya lalo na sa mga hindi organisado o komplikadong paraan ng pagkasulat sa teksto
Lagom o Sinopsis. Pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasang piksyon. Hindi lalagpas sa dalawang pahina
Lagom o Sinopsis. Ginagamit sa mga panloob o panlabas ng pabalaat ng isang nobela na tinatawag na jacket blurb
Lagom – isang uri ng pagsusulat kung saan ang ilang orihinal na akda o kwento na isinulat ng isang manunulat ay muling isusulat ng ibang tao sa pamamagitan ng paggamit ng sariling mga salita. Maari itong gamitin sa pananaliksik.
Sinopis – may layunin na matukoy ang pangunahing ideya ng teksto o akda, karaniwang matatagpuan sa likod ng mga libro na ating binabasa
Presi. Buod ng buod. Muling pagpapahayag ng ideya sa sariling pangungusap ngunit maaaring magdagdag ng komento
Hawig. Paraphrase sa Ingles, galing sa salitang Griyego (Latin) na paraphrasis na ang ibig sabihin ay dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag
Hawig. Ipinapahayag sa sariling pangungusap ang mga pangunahing ideya ngunit naiiba ito sa pinipiling ideya
Hawig – inilalahad sa sariling pangungusap ang isang partikular o ispesipikong ideya o impormasyon at inilalahad sa isang bagong anyo o istilo
Buod – inilalahad ang buong istorya, artikulo, at tula. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos
Sintesis. Isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-sariling ideya o datos mula sa iba’t ibang pinaggalingan (tao, libro, pananaliksik, atbp) ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad
Analisis – paghihiwa-hiwalay ng mga ideya upang suriin ang huli
Sintesis – pagsasama-sama ng mga ideya tungo sa isang pangkalahatang kabuuan
Abstrak. Maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, papel-mananaliksik
Abstrak. Inilalahad nang masalimuot ang mga datos sa pananaliksik, metodolohiya, resulta gamit ang paksang pangungusap