“Ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito.”
Newton Lee
“Sana’y mapagtanto natin na ang Humanidades at dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng Lipunan sa kalahatan, at di lamang para sa magkaroon ng karera sa hinaharap”.
Humanidades. Pag-unawa sa tao at mundo
Reaksiyon sa Iskolatisismo. Ito ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolatisismo sa panahon ng mga Griyego at Romano kung saan inihahanda ang tao na maging doctor, abogado, at mga kursong praktikal, propesyunal
Analitikal na Lapit – pag-organisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri, at mga pag-uuganay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa
Kritikal na Lapit – ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon, at pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya
Ispekulatibong Lapit – ang pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip, at pagsulat
Paktuwal na impormasyon bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote tungkol sa may-akda, libro, artikulo
Paglalarawan - nagbibigay ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri sa akdang kritisismo, tula, kwento, nobela, at iba pa
Proseso – binubuo ito ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinasagawa, at ang naging result ana kadalasa’y ginagawa sa sining at musika
Imahinatibo - binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling kwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri neto
Pangungumbinse – pangganyak ito upang mapaniwala o di-mapaniwala ang bumabasa, nakikinig, at nanonood sa teksto o akda.
Lakbay Sanaysay. Ang paglalakbay ay tulad lamang ng pagbabasa ng aklat. Kapag hindi nag-lalakbay, nasa iisang pahina ka lamang.