Sanhi ng problema sa komunikasyon: Kakulangan sa kakayahangkomunikatibo.
Ayon nga kay Nunan (1999): bukod sa kakayahang lingguwistik, mahalaga ring matutuhan ng isang tagapagsalita ang ibang kakayahang komunikatibo gaya ng kakayahang sosyolingguwistik at iba pang kakayahan sa pakikipagtalastasan nang sa ganoon ay maging malinaw sa tagapagsalita kung paano at kailan dapat magsalita.
Ayon kay Dell Hymes (1972) na binanggit ni Ida Kurcz (2004) ng Polish Academy of Sciences-Warsaw School of Social Psychology: ang kakayahang komunikatibo ay hindi lamang tumutukoy sa kakayahang maunawaan ng isang indibidwal ang wika batay sa estruktura o sa literal na kahulugan nito. Sa katunayan, sakop din nito ang pag-unawa sa iba pang elemento na bumubuo sa proseso ng pakikipagtalastasan gaya ng konteksto o sitwasyong nakapaloob dito.
Sa pananaw ng mga eksperto, mahalagang isaalang-alang ang kakayahang komunikatibo sapagkat ang komunikasyon ay hindi lamang gamit ng wika sa aspektong estruktural o semantic (teknikalidad)
Mga elemento na dapat isaalang-alang sa proseso ng komunikasyon:
• Kultura
• Konteksto
• Sitwasyon
• Kakayahan at katangian ng isang tagapagpahayag
Kakayahang Komunikatibo: kakayahan ng indibidwal na magamit ang wika nang tama batay sa alituntuning panggramatika, sosyo-kultural, at kontekstuwal.
4 na Komponent ng Kakayahang Komunikatibo: Kakayahang Lingguwistik, Wastong Gamit ng mga Salita, Kakayahang Sosyolingguwistik, Kakayahang Pragmatik
Kakayahang Lingguwistik: Kahusayan ng isang indibidwal sagramatika. Kakayahan sa paggamit ng wika sa aspektong estruktural at semantik. Mahihikayat ang kausap dahil malinaw na naipahahayag ang saloobin, opinyon o niloloob hinggil sa paksang pinag-uusapan.
Kung mali ang gamit at pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa isang pahayag o pangungusap: maaaring hindi magkaunawaan ang magkausap.
WastongGamit ng mga Salita: Ang kaalaman sa tamang gamit ng mga salita sa isang wika ay maituturing na kalakasan ng isang indibidwal na kalahok sa proseso ng komunikasyon.
Wastong gamit ng salita ayon sa tuntunin: Gamit ng Salitang “Nang”, "Ng", "May", "Mayroon", at gitling
Kakayahang Sosyolingguwistik: Tumutukoy sa kakayahan na gamitin at unawain ang isang wika sang-ayon sa kultural na kalagayan o konteksto nito. Sakop din nito ang kaalaman sa komunikasyong ‘di-berbal at tungkol sa angkop at di-angkop na pamamaraan ng pagpapahayag sa isang lipunan o komunidad.
KakayahangPragmatik: Pragmatika - isa sa mahahalagang dibisyon sa pag-aaral ng wika na tumutukoy sa pag-aaral kung paano iniimpluwensiyahan ng konteksto ang paraan ng paghahatid ng impormasyon ng mga pangungusap. Paggamit ng wika sa isang sitwasyon at kung paano naiintindihan ang mga particular na sinasabi sa iba’t ibang kontekstong panlipunan.
Mahalaga rin sa pragmatika ang kakayahan ng tao na umunawa sa tagong kahulugan na kaniyang narinig. Pagtingin sa epekto ng mga suprasegmental at iba’t ibang varayti ng wika na humuhubog ng interpretasyon ng pahayag o pangungusap ay bahagi rin ng pragmatika.
Para mapahalagahan ang buong kahulugan ng isang pangungusap kailangang unawain ang iba’t ibang konteksto ng komunikasyon:
Pisikal na Konteksto (lugar at mga bagay sa paligid)
Lingguwistik na Konteksto (mga naunang sinabi saisang partikular na pangungusap para maintindihannang husto)
Sosyal na Konteksto (antas ng relasyon ng mgakalahok sa komunikasyon).