Agham Panlipunan

Cards (16)

  • Ang pundamental na konsepto ng Agham Panlipunan ay KAPANGYARIHAN na pareho ng esensiya ng ENERHIYA sa pundamental na konsepto ng Pisika. – Bertand Russel
  • Ang Agham Panlipunan ay nagbibigay ng pangakong kalagayan ng tao; ang buhay natin ay lubhang mapapaunlad ng mas malalim na pag-unawa sa indibidwal at sa kolektibong asal at kilos. – Nicholas A. Christakis
  • Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao – kalikasan, mga gawain, at pamumuhay nito, kasama ang implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng Lipunan.
  • Humanidades. Ispekulatibo, analitikal, kritikal, at deskriptibo
  • Agham Panlipunan. Siyentipiko (iba-iba depende sa disiplina
  • Sosyolohiya – Pag-aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa lipunan, ang mga pinagmulan, pag-unlad, at pagkabuo ng mga samahan.. Gumagamit ito ng empirical na obserbasyon, kuwalitatibo, at kuwantitatibong metodo.
  • Sikolohiya – Pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng tao Gumagamit ito ng empirikal na obserbasyon
  • Lingguwistika – Pag-aaral ng wika bilang Sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura, at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at gramatika
  • Antropolohiya – Pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahon ng pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura. Ginagamit dito ang participant observation o eksperensiyal na imersiyon sa pananaliksik
  • Kasaysayan – Pag-aaral ng mga nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng isang grupo, komunidad, lipunan, at ng mga pangyayari dito upang maiugnay sa kasalukyan. Ginagamit ang lapit naratibo upang mailahad ito
  • Heograpiya – Pag-aaral sa mga lupaing sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay kaugany ng katangian, kalikasan, at pagbabago rito. Ginagamit ang kuwantitatibo at kuwalitatibo na metodo
  • Agham Pampolitika – Pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika, at mga patakaran, proseso, at Sistema ng mga gobyerno. Gumagamit ito ng analisis at empirikal na pag-aaral
  • Ekonomiks – Pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon, at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa
  • Area Studies – interdisiplinadong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heograpikong lugar
  • Arkeolohiya – Pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact, at monumento kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao
  • Relihiyon – Pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural, at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberso) bilang nilikha ng isang superior at superhuman na kaayusan