Pinapahalagahan naman sa kuwento ng katutubong-kulay ang tagpuan- ang pook/lugar na pinangyarihan ng kuwento. Karaniwan ay maraming paglalarawan tungkol sa pook-hindi lamang pisikal kundi pati na rin ang mga pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang kanilang mga kilos/gawi, mga paniniwala, pamahiin, at pananaw sa buhay