Kabanata 1

Cards (23)

  • Don Santiago de los Santos, kung saan mas popular sa taging Kapitan Tiago, ay isang marangyang salu-salo sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karatig ng Ilog-Binundok.
  • Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karatig ng Ilog-Binundok.
  • Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila.
  • Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan.
  • Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan.
  • Puno ang bulwagan.
  • Ang nag-iistima sa mga bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay.
  • Kabilang sa mga bisita sina Tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang Kura paroko ng Binundok, si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang Paisano.
  • Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
  • Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino.
  • Ipinaliwanan ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali.
  • Nilibak niya ang mga Indiyo.
  • Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa.
  • Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw.
  • Mapanlibak si Pari Damaso.
  • Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.
  • Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego.
  • Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
  • Ipinaliwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag.
  • Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso.
  • Lumawig muli ang talakayan.
  • Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin.
  • Ilani sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr de Espadaña at Donya Victorina.