about Renaissance period in mapeh 2nd quarter for grade 9

Cards (61)

  • Juan Crisostomo Ibarra
    Isang matalinong at mayamang binatang Pilipino na nagbalik mula sa Europa upang ipagpatuloy ang nasimulang pagbabago sa kanyang bayan
  • Maria Clara
    Ang kagandahang anak ni Kapitan Tiago at nobya ni Ibarra na nagtataglay ng kagandahan at kabutihan ng puso
  • Elias
    Isang mahiwagang lalaki na naging tagapagtanggol at kaibigan ni Ibarra, handang magpakahirap para sa kabutihan ng iba
  • Padre Damaso
    Mapanlinlang at mapang-abusong prayle na nagdulot ng pagdurusa at kaguluhan sa kanyang mga nasasakupan
  • Padre Salvi
    Kura paroko ng San Diego na ambisyosong politikal at may lihim na motibo sa kanyang mga kilos
  • Kapitan Tiago
    Isang mayamang Pilipinong negosyante at kaibigan ni Ibarra na nagtataglay ng kahanga-hangang kabaitan at pagiging mapagbigay
  • Sisa
    Inang pinahirapan ng lipunan at nagdusa dahil sa pagkawala ng kanyang mga anak, nagpapakita ng sakripisyo at pagmamahal ng isang ina
  • Don Rafael Ibarra
    Ama ni Crisostomo Ibarra na ipinaglaban ang karapatan ng mga Pilipino at sinakripisyo ang kanyang buhay para sa bayan
  • Tasyo
    Isang pilosopo at manunulat na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon at pag-unlad ng kaisipan
  • Don Tiburcio
    Maling doktor na kumakatawan sa katiwalian at kawalang-katarungan sa lipunan
  • Kapitan Tiyago
    Ama ni Maria Clara at isang taong may magandang kalooban ngunit madaling mapaniwala at manipulahin
  • Alfonso Linares

    Manliligaw ni Maria Clara na mayaman ngunit walang konsiderasyon sa damdamin ng iba
  • Lucas
    Kasama ni Elias na tumulong kay Ibarra sa mga pangangailangan nito
  • Maria Clara

    Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso; kumakatawan sa uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon; inilarawan bilang maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, at mapagpasakit
  • Padre Damaso
    Kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara
  • Kapitan Tiago
    Mangangalakal na tiga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara; mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kaniya
  • Elias
    Bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang mga suliranin nito
  • Sisa, Crispin, at Basilio
    Sisa ay masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit; Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa, sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego
  • Pilosopo Tasyo
    Pantas at maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego; tinatawag na baliw dahil hindi maunawaan ng mga mangmang ang katalinuhan niya
  • Donya Victorina
    Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila; mahilig niyang lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya
  • Padre Salvi o Bernardo Salvi
    Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara
  • Alperes
    Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego, itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal
  • Donya Consolacion
    Napangasawa ng alperes; dáting abandera na may malaswang bibig at pag-uugali
  • Don Tiburcio de Espadaña
    Pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina
  • Alfonso Linares
    Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara
  • Don Filipo
    Tenyente mayor na mahilig magbasá ng Latin
  • Señor Nyor Juan
    Namahala ng mga gawain sa pagpapatayô ng paaralan
  • Lucas
    Kapatid ng táong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra
  • Tarsilo at Bruno

    Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila
  • Tiya Isabel

    Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara
  • Donya Pia Alba
    Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang
  • Inday, Sinang, Victoria, at Andeng
    Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
  • Kapitan-Heneral
    Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra
  • Don Rafael Ibarra
    Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe
  • Don Saturnino
    Lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias
  • Balat
    Nuno ni Elias na naging isang tulisan
  • Don Pedro Eibarramendia
    Ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
  • Mang Pablo
    Pinúnò ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias
  • Kapitan Basilio, Kapitan Tinong, at Kapitan Valentin
    Mga kapitán ng bayan sa San Diego; ama ni Sinang
  • Tenyente Guevarra
    Matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama