Tanyag ang Africa sa dalawang bagay sa kasaysayan ng
daigdig. Sa kontinenteng ito pinaniniwalaang unang
umusbong ang tao milyong taon na ang nakalilipas. Ang
Africa rin ang kinalalagyan ng isa sa mga unang
sibilisasyong itinatag ng tao, ang Egypt. Subalit liban sa
mga nabanggit, limitado ang imporyasyon tungkol sa
naturang kontinente, lalo na sa iba pang sibilisasyonng
umusbong dito. Malimit na ang nakatala sa mga aklat ukol
sa kasaysayan ng kontinente ay ang pananakop at
kolonisasyong isinagawa rito ng mga bansang Europeo.