Tinapay ay ang kabanal-banalang katawan ng ating Panginoong Hesus, mula ito sa trigo o harina at walang pampalasa.
Alak ay hinahaluan ng tubig at itinatalagang maging dugo ng ating Panginoong Hesus, mula ito sa katas ng ubas.
Evangelary (AklatngMabuting balita) - naglalaman ng mabuting balita na ipinahayag ng pari o diyakono tuwing araw ng linggo, Mga kapistahan at iba pang tanging pagdiriwang ng banal na misa.
Gospel book stand - dito itinatayo ang Ebanghelaryo upang lubusan makita ng mga tao.
Wine, ang English word for Alak.
Chalice ay ang pinaghahaluan at iniinuman ng binasbasang alak at tubig sa Misa, mula ito sa wikang Latin na "Calix" na ang ibig sabihi'y kopa.
Kalis ay Tagalog ng Chalice.
Ciborium ay isang sisidlan ng maliit na osya para sa mga nagsisimba, mula ito sa salitang griyego na kiborion, isang kopang inuman na kung mapapansin ay hugis nito.
Paten ay hugis platito na pinaglalagyan ng ostiya ng pari na malaki, mula ito sa wikang Griyego na "patane", ibig sabihi'y platito o mangkok.
Cruets ay lalagyan ng alak at tubig para sa Banal na Misa, binubuo ito ng dalawang bote.
Binahera ay Tagalog ng Cruets.
Pitcher and Basin ay ginagamit sa paghuhugas ng kamay ng pari sa bahagi ng pag-aalay at matapos magpa-komunyon kung kailangan.
Pyx ay isang maliit na sisidlan ng itinalagang ostia na gingamit sa pagdadalhan ng komunyon sa may sakit.
Puxis ay Greek word for Pyx.
Luna o Lunette ay sisidlang pina-iipitan ng itinalagang ostiya na ginagamit ng Banal na sakramento upang ito ay tumayo sa ostensoryo.
Aspergillium ay pinaglalagyan ng banal na tubig para sa pagbabasbas, meron ito pangwisik.
CommunionPlate ay ginagamit ito upang saluhin ang mga mugmog na maaaring mahalaglag sa bahagi ng komunyon.
Bell ay ginagamit ito upang maghudyat sa mga mananampalataya na itoun ang pansin sa mga mahalagang kaganapan na nagaganap sa dambana.
Monstrance ay isang sisidlan ng malaking ostya na ginagamit sa pagtatanghal at paglalabas ng "santissimo sacramento".
Ostensoryo ay Tagalog ng Monstrance.
Monstrare ay Latin word for Monstrance.
Thurible ay The English word for insensaryo.
Ang haba nito ay hanggang tuhod at di hamak na mas maluwag sa sutana
Professional candles - kandilang dinadala sa prusisyon.
Corporal - hugis parisukat na linen na maaaring may krus sa gitna o sa ibaba, nakatupi ng tatlong beses at inilalatag ng pari sa altar at dito ipinapatong ang mga banal na gamit.
Finger towel - ito ay ginagamit upang tuyuin ang kamay ng pari sa kanyang paghuhugas
Chasuble (Kasulya) - ito ang panlabas na kasuotan ng pari tuwing nagmimisa at maaari nitong taglayin ang kulay ng pagdiriwang.
Altar Candles - kaninang nakalagay sa paligid ng dambana bilang isang sagisag ng ating pananampalataya ni kristo sa sambayanan.
Alb (Alba) - puting damit na panloob ng pari tuwing nagmimisa mahaba at maluwang ito hanggang sakong
Surplice (Sobrepelis) - ito'y kasuotan na ipinapatong ng tagapaglingkod sa sutana lalo na tuwing naglilingkod
Professional cross - isang malaking krusipiho na may mahabang tantanan na dinadala sa prosisyon
Sacramentary/ Missal Stand - dito inilalagay ako sacramentaryo o ang misal.
Cincture (Pamigkis) - ito ay malalubid na tayong ginagamit upang maiayos ang pagkakasuot ng alba dahil ang alba ay may kaluwagan
Purificator - ito ay ginagamit na pamunas sa kalis siboryo at patena upang tipunin ang mga natirang mugmog sa mga gamit na ito at tuyuin ang mga ito
Matraca - ginagamit ito kahalili ng bell matapos ang pag-awit ng papuri sa misa huling hapunan sa huwebes santo hanggang sa pagdidiwang ang misa ng pasko ng pagkabuhay sa sabado de gloria.
Stole (Estola) - makitid at mahaba ang balbal na isinusuot lamang ng mga diyakuno pari at mga obispo
Pall - ito ay parisukat na tela na may patigas sa loob na ginagamit pantakip sa kalis upang hindi pasukin ng dumi ang alak na taglay nito
Incense Boat -ay sisidlan ng mga buti ng insenso na susunugin para sa pagdiriwang.
Zucchetto ( Skull cap) - kasuotang nakapatong sa ulo ng papa, mga arsobispo at mga obispo at kaparian.
Misalette (maliit na misal) -ito ay libreta na naglalaban ng mga awit, pagbasa at mga panalangin para sa pagdiriwang ng banal na misa tuwing linggo.