sarsuwela

Cards (14)

  • Sarsuwela
     
    • isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pagibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan at iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampolitika.
     
    • Ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa operang Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginagamit dito- patula at pasalita. Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon na maaring awitin.
     
  • Dula
    • isang akdang pampanitikan na ang layunin itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kasipan ng may akda.
    • ito ay na nahahati sa ilang yugto ng maraming tagpo
  • Mga Uri ng Dula Ayon sa Anyo
    • Komedya
    • Trahedya
    • Melodrama o Soap Opera
    • Tragikomedya
    • Saynete
    • Parsa
    • Parodya
    • Proberbyo
  • Komedya - ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.
     
    Trahedya - isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan.
     
    Melodrama o Soap Opera - nag wawakas na kasiya-siya sa mabuting tauhan bagama't ang uring ito'y may malulungkot na sangkap kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito at nag tatapos sa kamatayan ng mga bida.
  • Tragikomedya - magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli'y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang mga bida.
  • Saynete - isang tulang pandulaan na ang layunin ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari sa dulang ito ay hindi pangkaraniwan o kakaiba.
  • Parsa - magdulot ng katatawanan sa tagapanood.
  • Parodya - nagsasaad ng kilos o galaw at nagpapakita ng emosyon na minsan nakakatawa at nakakalungkot.
  • Proberbya - kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain, ang kwento ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.
  • Severíno Réyes
    kinikilala siyá bilang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog.”
    • unang dula na isinulat ni Reyes ay ang R.I.P. (1902).
  • Aurelio Valenzuela Tolentino
    sumulat ng Kahapon, Ngayon at Bukas isang drama simbolika at pinakasikat sa mga dulang sedisyoso noong panahon ng Americano.
    • Bagong Cristo (1907)
  • Juan Abad
    • naging mahalaga siyá sa teatrong Filipino dahil sa kaniyang mga patriyotikong dula na Ang Tanikalang Guinto at Isang Punglo ng Kaaway.
  • Juan Crisostomo Soto
    • kilalá rin sa alyas niyáng “Crissot, ”
    • humigit-kumulang 50 sarsuwela at drama ang naisulat ni Soto ngunit hindi na ingatan ang karamihan.
  •  
    Amando Navarette Osorio
    Kilala sa akdang Patriya Amanda
    • ang dulang “Patria Amanda” ay inialay ng may akda sa kaniyang magulang.