Filipino 2nd QE Reviewer

Cards (42)

  • Paglalahad - Nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o pakahulugan, at nagsusuri upang lubos na maipaunawa ang diwang inilalahad o nais ipaabot ng nagsasalita o sumusulat.
  • Pag-iisa-isa - Ito'y pagkukuwento ng kwento o pangyayari nang maayos, sunod-sunod, para malinaw ang dahilan at bunga ng mga nangyari.
  • Pagsusuri - Ito'y pagsusuri sa mga bagay na nakaaapekto sa isang sitwasyon at kung paano sila nakakatulong o nakakasama.
  • Sanhi at Bunga - Ito'y pagsusuri kung ano ang nagdudulot ng isang pangyayari at kung ano ang resulta nito.
  • Pagbibigay ng Halimbawa - Ito'y pagbibigay ng konkretong halimbawa para mas maunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang iyong punto.
  • Pang-uri - Salitang naglalarawan o nagbibigay- turing sa mga pangngalan at panghalip. Ito ay may kaantasan o kasidhian.
  • Lantay - Ito ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip.
  • Pahambing - Ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. Ito ay may dalawang uri.
  • Magkatulad - Ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad. Ginagamit dito ang panlaping ka, magka, sing, gaya, tulad, at iba pa.
  • Di magkatulad - Ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi, o pagsalungat.
  • Palamang - May higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambing Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lalo, higit, di hamak, mas, at iba pa.
  • Pasahol - Kapag may higit na negatibong katangian ang pinaghahambingan. Gumagamit ng di guano, di gasino, di masyado.
  • Pasukdol - Nása pinakadulong digri ang kaantasan ng pasukdol. Ito ay maaaring positibo o negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan ng hari ng at kung minsa'y pag-uulit ng pang-uri.
  • Obserbasyon - Paggamit ng mata para ma-obserba ang mga bagay, tao, o pangyayari at kunin ang mga datos na makikita.
  • Pakikipanayam o Interbiyu - Pag-uusap sa mga eksperto o may karanasan sa isang paksang nais pag-aralan para makakuha ng masusing kaalaman.
  • Pagtatanong o Questioning - Paglalagay ng mga tanong (What, When, Where, Who, Why, at How) para ma-detalye ang paksang isusulat.
  • Pagsasarbey - Pagkuha ng impormasyon mula sa isang grupo ng tao sa pamamagitan ng pagsagot sa isang questionnaire.
  • Lalawiganin - Ito ay mga salitang kilala lang sa tiyak na lugar.
  • Balbal (Slang) - Mga salitang kanto o kalye na una ay hindi matanggap ng matatanda
  • Kolokyal - Salitang may kagaspangan at pagkabulgar pero ginagamit sa pang-araw-araw.
  • Banyaga - Salitang galing sa ibang wika.
  • Binaligtad - Binabaligtad ang mga salita.
  • Nilikha - Bago at imbentadong salita.
  • Pinaghalo-halo - Halo-halong elemento
  • Iningles - Ingles ang gamit
  • Dinaglat - Pinagaan ang mga salita, tulad ng "KSP" para sa Kulang Sa Pansin.
  • Pahayagan - Babasahin na naglalaman ng balita at impormasyon. Importante pa rin ito kahit may TV at radyo dahil hindi lahat ng balita ay nasususnod sa ibang media. May epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
  • Komiks - Kwento na binubuo ng salita at larawan. Makulay at paborito ng marami dahil sa aliw at kaalaman na ibinibigay nito. May diyalogo pero mas maraming larawan para mas mapukaw ang atensiyon.
  • Magasin - Popular na babasahin na may maikling kuwento at nobela. Nagdadala ng aliw at impormasyon sa maraming tao. Nakakatulong ito sa pag-unlad ng kamalayan sa kultura.
  • Dagli - Maikling kuwento na nag-evolve mula sa pahayagan patungo sa iba't ibang anyo ng media. Hindi ito tiyak na haba pero hindi dapat abutin ang haba ng maikling kuwento. Binibigyang pansin ito mula sa harap ng pahayagan hanggang sa TV at tabloid.
  • Julia - Lihim na karelasyon ni Teṅong. Ang magpapakasal kay Miguel ngunit hindi nya mahal ang lalaki.
  • Tenyong - Kapitan ng mga maghihimagsik. Ito ay ang taong walang takot sa labanan
  • Lucas - Ang tagadala ng sulat ni Juana para kay Teṅong
  • Kapitana Puten - Ina ni Teṅong
  • Kap. Inggo - Asawa ni Kapitana Puten
  • Miguel - Manliligaw ni Julia. Isang mayaman at bugtong na anak.
  • Juana - Nililigawan ni Tadeo na nagpapadala ng sulat kay Teṅong
  • Tadeo - Ama ni Miguel, Ito ay nanliligaw kay Juana.
  • Heneral ng mga Katipunero - Ang heneral nina Teṅong at tumawag sa pari upang magkumpisal si Teṅong.
  • Aspektong Naganap o Perpektibo - Ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.