Globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Ang globalisasyon ay ang kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga local na produkto o serbisyo.
Ang globalisasyon ay ang PAGTUTULUNGAN ng mga bansa sa buong mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa.
Noong 19thCentury sumibol ang globalisasyon
Ang pagbubukas ng SUEZ CANAL ang pinakamalaking pangyayari sa kasaysayan ng mundo. Ito ay nagdutugtong sa Dagat Mediteranyo, Gulpo ng Suez, Dagat Pula at karagatang Indiyan
Ang globalisasyon ay patuloy na bumabago sa lipunan dahil sa ugnayan ng mga tao at impluwensiya ng globalisasyon tulad ng teknolohiya, pagbabago sa kultura, kasuotan, at maging sa pag-uugali ng mga tao.
Ang globalisasyon ay maaaring magdulot ng paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapalawig ng pagkonsumo at paggawa. Ngunit ito rin ay nakakasira sa industriya at serbisyo sa isan komunidad dahil sa matinding kompetisyon at kawalan ng suporta mula sa pamahalaan para sa mga local na industriya
Ang globalisasyon ay nakakakapapekto sa kapaligiran dahil sa labis na paggamit ng likas na yaman.
Sustainable Development (Mapanatiling Kaunlaran) ay tumatalakay sa tungkulin ng tao na tumugon sa hamon ng kaunlaran nang hindi nalalagay sa alanganin ang pangangailangan ng mga susunod na henerasyon.
InternasyonalnaMigrasyon ay ang pangingibang-bansa ng mga tao.
Ang UnitedNations ay nakatutok sa political na ugnayan ng mga bansa. Samahan ng mga bansa sa mundo na nagtataguyod ng kaayusan at matiwasay na ugnayan ng mga bansa.
Push Factor ay ang nagtataboy sa mga tao mula sa kanilang pinanggalingan, halimbawa: kalamidad, cost of living, mataas na antas ng kriminalidad, tagtuyot.
World Trade Organization ay isang layuning magtaguyod ng kalakalan sa mga bansa sa mundo.
InternalnaMigrasyon ay ang paglilipat ng mga tao sa loob lamang ng bansa.
World Health Organization ay isang institusyon na nangangalaga sa kalusugan at usaping medical ng mga bansa sa mundo.
Pull Factor ay mga dahilan na nakahihikayat sa tao na pumunta sa ibang lugar.
Migrasyon ay ang pangingibang-bayan o bansa.
World Bank ay isang organisasyong ekonomiko at politikal na nagtataguyod ng polisiyang pangkaunlaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal, pagpapautang, at pagbabahagi ng teknikal na kaalaman at polisiya sa mga miyembro sa bansa.
INCOME INEQUALITY ay tumutukoy sa patuloy na paglaki ng pagitan ng kita sa mahihirap at mayayaman.
POPULATION EXPLOTION ay tumututukoy sa patuloy na paglaki ng populasyon sa bansa at mundo.
INDUSTRIYALISASYON ay tumutukoy sa patuloy na pagdami ng mga trabaho at negosyo sa bansa at mundo.
KAPITALISMO ay tumutukoy sa pagpapahalaga sa kita na maaaring makuha sa mga kalakal.
Ito ay tumatalakay sa tungkulin ng tao na tumugon sa hamon ng kaunlaran nang hindi nalalagay sa alanganin ang pangangailangan ng mga susunod na henerasyon.