FIL Q2QE tula

Subdecks (2)

Cards (50)

  • Ang tula ay ang PINAKAMATANDANG sining sa kulturang Pilipino.
    Ito ay ang pinagmulan ng iba pang sining tulad ng sayaw, awit,
    at dula.
  • Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang bawat sambit nila ay matalinhaga at makatuturan.
  • Sukat – Ito ay tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong.
  • Tugma – Pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita.
  • Saknong – Ito ay grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod)
  • Talinhaga – Sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang mas maging kaakit-akit at malasa ang pagpapahayag ng tula
  • Larawang-Diwa (Imagery) – Mga
    salitang binabanggit o nabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa
  • Simbolismo – Mga
    salitang may kahulugan sa
    mapanuring isipan ng
    mambabasa
  • Kariktan – Elemento ng tula na tumutukoy
    sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o
    pumupukaw sa damdamin ng mga
    bumabasa
  • Kasingkahulugan o kasalungat
    Naipararating nito ang mensaheng nais sabihin ng tulang gagawin.
  • Idyoma – Dito nakikilala ang yaman ng isang wika
  • Konotasyon – May ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan
  • Denotasyon – Mga kahulugang mula sa diksyonaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag
  • Tindi ng kahulugan – Pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.