Ang Balagtasan ay isang uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa.
Tinawag na
Balagtasan ang unang patulang pagtatalo na ginanap sa bulwagan
ng InstitutodeMujeres noong Abril 6, 1924 bilang parangal kay
Francisco Balagtas
Francisco Balagtas na siyang kinikilalang "Ama ng PanulaangTagalog."
Ang mga elemento nito ay ang tauhan, piangkaugalian, paksa o isyung pagtatalunan, at mensahe o
mahalagang kaisipan.
Lakandiwa – Ang tawag sa namamagitan sa dalawang panig na nagtatagisan ng mga katwiran na matulain at masining na pamaraan.
Mambabalagtas o Makata – Ang tawag sa panig na nagtatalo sa balagtasan kung saan ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay hindi sang-ayon sa paksang pinagtatalunan.
Manonood – Mga tagapakinig na minsa’y nagbibigay hatol sa mga naririnig mula sa dalawang panig.
Mensahe o mahalagang kaisipan – Ang Balagtasan ay hindi lamang basta libangan. Ito ay isang mainam na paraan upang
ipahatid sa madla ang mga napapanahong isyu na dapat pagisipan ng mga mamamayan.