SARSUWELA

Cards (28)

  • Severino Reyes – “ Walang Sugat
  • Aurelio Tolentino – “ Kahapon, Ngayon, at Bukas “
  • Amando Navarette Osorio – “ Patria Amanda “
  • Juan Abad – “ Tanikalang Ginto “
  • Juan Crisostomo Soto - “ Anak ng Katipunan
  • Ito ay inihango sa opera ng Italya.
  • Ang Sarsuwela o Dula ay isang uri ng panitikan na ang layunin ay itanghal sa tanghalan o entablado.
  • Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mandudula o dramatista.
  • Unti-unting humina ang sarsuwela nang dumating ang “ Bodabil “ o “ stage show
  • Iskript– Ang pinakakaluluwa ng dula; lahat ng bagay na isinaalang-alang sa dula ay naaayon dito
  • Tanghalan – Anumang pook na pinagtatanghalan ng isang dua. Ito ay maaaring sa daan, silid-aralan, entablado, at iba pa.
  • Direktor – Ito ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpa-pasiya sa itsura ng tagpuan, damit ng tauhan, at pati na rin ang pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretsyon ng direktor sa iskrip
  • Manonood - Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak
    sa galing at husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may
    pag- papahalaga ang bawat tagpo, yugto, at bahagi ng dula
  • Eksena - Pag labas-masok ng mga tauhan sa tanghalan.
  • Tagpo - Ang pagpapalit ng tagpuan.
  • Tagpuan - Panahon o pook kung saan naganap ang pangyayari sa dula
  • Tauhan - Ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula
  • Suliranin - Ito ay makikita sa simula o sa kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari
  • Saglit na kasiglahan - Paglaya o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
  • Kasukdulan - Pinakanakakapanabik na bahagi ng tula. Kung saan nasusubok ang katatagan ng tauhan.
  • Kakalasan - Unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.
  • Kalutasan - Dito nalulutas, nawawaksi, at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula
  • Wakas - Ang nagbibigay ng konklusyon at sa mga pangyayari sa mga tauhan at sa kabuoan
  • Atang dela Rama – Siya ang tinaguriang “ Reyna ng sarsuwela “ sa Pilipinas.
  • Severino Reyes – Siya ay isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 11, 1861.
  • Si severino reyes ay mas kilala bilang “ Lola Basyang “.
  • Ang pangalang Lola Basyang ay nakuha niya sa kaniyang kapitbahay na si Gervacia de Guzman.
  • Si Severino Reyes ay itinuturing bilang “ Ama ng Sarsuwelang Tagalog “.