AP LONG QUIZ

Cards (54)

  • Tinatawag na migrasyon ang paglipat ng malaking bilang ng tao mula sa kanilang tirahan patungo sa ibang lugar.
  • Ayon sa mamamahayag na si Sheila Coronel (2007), mayroong 7M ang pagtatayo ng isang dinastiyang political.
  • Money - sa pagkakaroon ng malaking pondo, magagamit ito ng isang pamilya para sa mga gastusin sa kampanya sa halalan.
  • Machine - ang organisasyon ng mga tauhan sa nagsasagawa ng mga hakbang tulad ng pagbuo ng mga estratehiya ay programang magagamit ng kandidato sa pagkuha ng suporta sa mga bumoboto.
  • Media and Movies - sa tulong ng madalas na panayam at palabas sa mga pahayagan, radio, telebisyon, sa Internet at sa pelikula ay nakatutulong para sa name recall ng kandidato
  • Murder and Mayhem - sa pamamagitan ng karahasan, naitutulak ang mga tao na piliin ang kandidatong makalulutas nito na sinasalamin ng politikong mula sa isang political dynasty na hinasa ng karanasan at kaalaman sa paghanap ng solusyon.
  • Myth - ang mga kuwento ng kabaitan, katapangan, katalinuhan, atbp. ng kandidato at ng kaniyang pamilya ay magagamit upang makakuha ng boto.
  • Mergers - sa pamamagitan ng pinagsama-samang makinarya ay napalalakas ng kandidato ang kaniyang suporta mula sa pamilya, sa Partido, at sa taong-bayan.
  • Tinatawag na refugee ang mga taong lumikas at nangibang-bansa upang takasan ang pag-uusig dahil sa lahi, paniwala, o pagiging kabilang sa isang antas ng lipunan.
  • Ang emigrasyon ay ang paglabas mula sa isang bansa, samantalang ang imigrasyon ay ang pagpasok tungo sa isang bansa.
  • proseso ng tuluyang pagtanggap at pagtulad ng mga imigrante sa lokal na populasyon ng isang bansa ay tinatawag na asimilasyon.
  • Namamayani sa kanila ang xenophobia o ang matinding takot o suklam sa dayuhan at mga bagay, kaasalan, at kaisipang naiiba sa kanilang kinagisnan.
  • Overseas Contract Workers OCW - tawag noon sa mga Overseas Filipino Workers OFW
  • Philippine Overseas Employment Administration POEA - ahensyang may tungkuling isaayos ang mga kontrata ng papaalis na manggagawa at mga iba pang paghahanda sa trabaho
  • Overseas Workers Welfare Administration OWWA - itinatag upang tulungan ang mga OFW sa Seguro, social Seguro, social work, tulong legal, at remittance
  • Migrasyon ng Manggagawa - Mula pa noong dekada 1970, ang Pilipinas ay nagpapadala na ng mga manggagawa sa iba't ibang panig ng mundo.
  • Skilled workers o mga manggagawang may espesiyalisadong pagsasanay at edukasyon; maaaring sila ay may white-collar job (doctor, inhinyero, nars) o blue collar job (elektrisyan, mekaniko, tubero).
  • Unskilled workers o mga manggagawang walang espesiyalisadong pagsasanay at edukasyon; maaaring sila ay magtatrabaho bilang domestic helper, caregiver, or factory worker.
  • Mga Tsino
    - Tinatawag silang sangley na nanirahan sa mga bahagi ng Parian at Binondo sa Maynila. Tinularan nila ang kulturang Espanyol at tinanggap ang Kristiyanismo.
  • Mga Indiano
    • Mula sa Madras, India, ang 600 na sundalong Sepoy at 1400 obrerong Indiano na tumulong sa hukbong Briton ay kasamang lumupig at sumakop sa Maynila at mga karatig bayan. Nagwakas ang okupasyon ng Britain sa Maynila noong 1764.
    • Nang buksan ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan noong 1834, naging bahagi ang Maynila sa lawak ng kalakalang Briton. Dahil dumaraan ang mga marinong Indiano sa Bombay(Mumbai), tinawag silang mga bombay
  • Mga Koreano Sa paglago ng ekobomiya ng South Korea, bumuo sila ng ugnayang pangkabuhayan sa Pilipinas para makapasok ang mga negosyante at empleado ng mga kompanyang itinayo nila sa Cavite Export Processing Zone, sa mga proyektong pang- impraestruktura at sa iba pang mga Negosyo
  • Mga Vietnamese - Nang matapos ang Digmaang Vietnam noong 1975, pansamantalang nanatili ang mga Vietnamese refugee sa itinayong Philippine First Asylum Center (Vietnamese Refugee Camp) sa Puerto Prinsesa, Palawan noong 1979
  • Politica de Familia - Higit sa lahat, ang pamilya ang pangunahing puwersang nagpapatakbo sa politika ng bansa
  • Ang katiwalian ay pagkilos ng isang opisyal o lingcod-bayan upang personal na makinabang sa kanyang posisyon sa pamahalaan. Ang korupsiyon ay tumutukoy sa sabwatan ng dalawang tao o partido
  • Ang compadrazgo ay paraan ng pagbuo ng ugnayan sa pagitan ng magkakaibigan o ng mga maimpluwensiyang tao sa pamamagitan ng pagiging padrino sa binyag, kumpil, o kasal.
  • Ang utang-na-loob ay pagpapahalagasa pagkilala sa kabutihang ginawa at pagbalik nang higit pa sa kabutihang tinanggap mula sa nabigay nito.
  • Ang pakikisama ay isang pagpapahalaga ng pakikiisa ng isang tao sa mga gawaing pampangkat kahit mangailangan ito ng pagsasakripisyo ng kaniyang panahon, kakayahan, at magagawa.
  • Bossism - sa lokal na politika, mayroong balwarte ang mga politikong pamilya kung saan lubos ang impluwensiya nila. Ang puno ng isang politikong pamilya ay ang kinikilalang "boss" na may malawak na impluwensiya maging sa pagpili ng kandidatong ipahahalal o opisyal na itatalaga
  • Rent-seeking - ito ay paraan ng isang pamilya na makakuha ng bentaha sa pamamagitan ng pagpasok sa politika o pag- impluwensiya sa mga politico
  • Palakasan - ito ay isang Sistema na nagtutunggalian ang mga politica de familia sa pagpapalawak ng impluwensiya at pribilehiyo.
  • Kahirapan - ito ang sinasabing dahilan na nagtutulak sa mga tao na labagin ang batas upang mabigyan ng mabuting buhay ang pamilya.
  • Kultura - ang katutubong kaasalan ng mga Pilipino, tulad ng pakikisama, pagkahiya, utang-na-loob, pagdadamayan, personalismo, at makapamilya, ilya, ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa bawat indibidwal at sa sa kaniyang kalagayan sa pamayanan.
  • Kalidad ng Pamunuan - ang katiwalian at korupsiyon ay mga administratibong hamon sa lahat ng mga kawani at opisyal ng pamahalaan
  • Klasiko (Classical) - May tuwirang ugnayan ang kriminalidad sa mababang antas ng katalinuhan o problema sa pag-iisip ng isang kriminal.
  • Kontrol (Control) - Naiiba ang kaasalan ng mga kriminal. Madalas malayo sila sa mga tao at hindi nakikibahagi sa mga gawaing panlipunan kaya nakakagawa sila ng mga maling pagkilos.
  • Asosasyon (Differential Association and Social Learning) - Ang uri ng kapaligiran ay may impluwensiya sa isang tao. Natututo siya sa gawi ng kaniyang mga kasama. Kapag ang isang tao ay napasama sa pangkat ng mga criminal, nagiging katulad niya sila
  • Panlipunan (Societal) - Dahil sa tunggalian ng mayayaman at mahihirap, napipilitan ang mahihirap na gumawa ng mga aksiyon na labag sa batas.
  • Napilitan (Strain) - Ang kabiguan ng isang tao na makamit ang kaniyang hangarin sa legal na paraan ay nagtutulak sa kaniya na kumilos nang hindi naaayon sa batas
  • Sikolohiya (Psychological) - Abnormal ang paglalarawan sa pag-iisip ng kriminal. Maaaring nakaranas siya ng sakit sa pag-iisip tulad ng psychosis at pagiging psychopath.
  • Subkultural (Subcultural) - Matindi ang katapatan ng isang tao sa kaniyang maliit na pangkat na nakapagdudulot ng kapahamakan sa lipunan.