konsepto ng kasarian

Cards (19)

  • GENDER - Ito ay tumutukoy sa mga katangian, gampanin, at paguugali na kaakibat ng pagiging isang lalaki o babae ng isang tao at sa pangkulturang kategorya o cultural category.
  • SEX - Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda sa pagkakaiba ng lalaki at babae.
  • SEXUALITY o SEKSUWALIDAD - Ito ay tumutukoy sa seksuwal na oryentasyon ng isang tao o sa kaniyang seksuwal na atraksiyon sa iba at sa kaniyang kapasidad na tumugon dito.
  • SEXUAL ORIENTATION o ORYENTASYONG SEKSUWAL - Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal, at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.
  • GENDER IDENTIFICATION o PAGKAKAKILANLANG KASARIAN - Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipinanganak.
  • Heterosexuality - Ang atraksiyong seksuwal sa miyembro ng opposite sex (hindi kabaro).
  • Homosexuality - Ang atraksiyong seksuwal sa miyembro ng kaparehong kasarian (same sex).
  • Bisexuality - Ang atraksiyong seksuwal sa kaparehong kasarian at sa miyembro ng opposite sex (hindi kabaro)
  • Pansexuality o Omnisexuality - Ang atraksiyong seksuwal sa ano mang kasarian. Itinuturing ng mga nagpapakilalalng pansexual na sila ay gender-blind at hindi raw mahalaga ang gender at kasarian sa atraksiyong seksuwal.
  • Asexuality - Ang kawalan ng atraksiyong seksuwal kanino man.
  • LESBIAN - Tinatawag ding tibo o tomboy ay isang babaeng may emosyonal, seksuwal, at romantikong atraksiyon sa ibang babae.
  • GAY - Tinatawag ding bakla, bayot, beki, bading ay ang mga lalaking nakararamdam ng atraksiyon sa kanilang kapwa lalaki, may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae.
  • BISEXUAL - Mga taong nakararamdam ng atraksiyong seksuwal o emosyonal sa dalawang kasarian.
  • TRANSGENDER - Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
  • QUEER - Tumutukoy sa sexual orientation o sexual identity na hindi nakapirmi o nag-iiba, hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uri ng pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae at hindi pa sigurado sa kanilang kasarian
  • INTERSEX - Ang estado ng isang taong mayroong reproductive o sekswal na anatomy na hindi akma sa standard na lalaki o babae
  • ASEXUAL - Mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian.
  • Ang Magna Carta of Women - binubuo ng mga batas para sa karapatang pantao ng kababaihan.
  • UN Women - Ito ay isang organisasyon sa ilalim ng United Nations na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian o gender equality at pagpapalakas sa kababaihan o women empowerment.