Ano ang pangalan ng barkong binanggit sa unang kabanata?
-Bapor Tabo
Saan patungo ang Bapor Tabo?
-Patungong Laguna
Ano ang paksa ng usapan sa kubyerta?
-Ang pagpapatuwid ng Ilog Pasig
Anong mungkahi ni Simoun para sa pagpapatuwid ng Ilog Pasig?
-Maghukay ng tuwid na daan mula sa pagpasok hanggang sa paglabas ng ilog gamit ang mga bilanggo at mamamayan bilang sapilitang manggagawa.
Ano ang kulay ng Bapor Tabo?
-Puti/Puti na kinupas
Anong buwan naglakbay ang Bapor tabo?
-Disyembre
Bakit hindi sinang-ayunan ni Don Custodio ang mungkahi ni Simoun?
-Dahil maaari itong magsimula ng himagsikan.
Ano ang alternatibong panukala ni Don Custodio para sa pagpapalalim ng lawa?
-Pilitin ang mga tao malapit sa IlogPasig na mag-alaga ng itik upang lumalim ang lawa habang kumukuha sila ng suso para ipakain sa mga itik.
Bakit hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang panukala ni Don Custodio?
-Dahil dadami ang balot na pinandidirihan niya.
Ano ang simbolismo ng Bapor Tabo sa kabanata?
-Ito ay sumisimbolo sa pamahalaan na mabagal at puno ng kapintasan ngunit nagpapanggap na makabago at maayos.
Ano ang mahalagang mensahe na nais iparating sa kabanata?
-Ang kabanata ay nagpapakita ng mga suliranin at mga pagkakaiba ng pananaw ng mga tauhan, na sumasalamin sa mga problema ng lipunan noong panahong kolonyal
Sino-sino ang mga nasa itaas na kubyerta?
-Ilustrisismos (Mayayaman, Gobyerno) at Reverendos (Taong simbahan)
Sino-sino naman ang mga nasa ibaba na kubyerta?
-Indio, Pilipino, Instik
Sino-sino ang tatlong katangian ng tao ang gustong ipag-sapilitang paggawa ni Simoun sa pagtrabaho sa lawa?