Polis - tawag sa mga lungsod-estado sa Greece. Ilan sa mga unang lungsod-estado sa Greece ay ang Athens, Corinth, Delphi, Argos, Sparta, at Thebes.
Acropolis - Ito ang tawag sa moog sa mataaas na bahagi ng lungsod o tanggulan sa tuktok ng burol.
Agora - Ito ang tawag sa pinaka-sentro ng bawat polis. Ito ay lugar kung saan nagpupulong ang mga tao at nagsisilbi ring pamilihan
Phalanx - Sila ang mga hukbo ng mga sundalo na nangangalaga sa Polis.
Sparta - Tirahan ng mga Pinakamahuhusay na Mandirigma ng Greece
Sparta - ▪ Matatagpuan sa Timog na bahagi ng Peloponnesus
Sparta - Ito ang pangunahing Lungsod-Estado sa Laconia
Sparta - Estadong Militar
May 2 haring namumuno sa Sparta upang hindi magmalabis sa kapangyarihan ang
bawat isa.
Gerousia - Tawag sa isang pangkat ng mga matatandang kalalakihan na namumuno din sa mga Spartan.
Oligarkiya - Ito ang uri ng pamahalaan ng mga Spartan na pinamumunuan ng iilang makapangyarihang tao.
Helot - Sila ay mga aliping Messenian na nagbubungkal ng mga lupain at nagbibigay ng kalahati ng kanilang ani sa mga Spartan.
Athens - Kanlungan ng Demokrasya sa Mundo
(Athens) Matatapuan ito sa Attica na nasa silangan ng Greece.
Athens - Nakilala sila dahil sa pagpapahalaga sa edukasyon at malayang pag-iisip dahil naniniwala sila nawalang katuturan ang buhay ng isang tao kung hindi lilinangin ang kanilang kaisipan at pauunlarin ang kanilang talento.
Solon - Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang mambabatas. Siya ang nagtatag ng mga reporma sa larangan ng ekonomiya at politika.
Cleisthenes - Nilikha niya ang Council of the Five Hundred para magmungkahi ng mga batas.
Pericles - Siya ang nagdagdag sa bilang ng mga pampublikong opisyales na binibigyan ng pasahod ng pamahalaan.