Si Rizal na marahil ang pinaka-overrated na bayani ng Pilipinas.
Sa hayskul ay required na basahin ang mga nobela ni Rizal.
Sa kolehiyo’y may minor subject tungkol kay Rizal at kahit ano pang kurso ang kunin ay hindi ito mawawala sa mga dapat pag-aralan.
Makikita rin natin si Rizal sa pang-araw-araw nating pamumuhay: siya ang mukha na nasa piso
Makikita rin natin si Rizal sa pang-araw-araw nating pamumuhay: may holiday na nakalaan para sa kaniya (na dahilan kaya tumatagal nang tatlong araw ang holiday sa katapusan at pagsisimula ng taon)
True. Makikita rin natin si Rizal sa pang-araw-araw nating pamumuhay: halos lahat ng bayan o lungsod sa bansa’y may monumento o may kalyeng nakapangalan sa kaniya (kahit sa ibang bansa’y mayroon); may mga eskuwelahan at kompanyang nakapangalan din sa kaniya; napakarami nang pelikula ang ginawa tungkol sa kaniya; at mayroon na ring mga hayop na binigyan ng siyentipikong pangalan alinsunod sa kaniya.
Si Rizal din ang kauna-unahang bayani na nakilala ng inyong lingkod na may-akda ng sanaysay na ito, hindi sa paaralan kundi sa telebisyon nang mapanood niya ang trailer ng pelikulang Jose Rizal noong 1998
Adobo, anahaw, bahay-kubo, bakya, bangus, barong at baro’t saya, Cariñosa, jeepney, Juan de la Cruz, kalabaw, at mangga—lahat ng iya’y mga unofficial lamang pagkat wala pang batas na nagsasabing ang mga ito’y mga opisyal na pambansang simbolo.
True. Sa bansa, ang mga sumusunod lamang ang mga kinikilalang opisyal na pambansang simbolo: arnis; “Lupang Hinirang”; narra; ang pambansang watawat, sagisag, at tatak; ang motto na “Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa”; Philippine eagle; Philippine pearl; sampaguita; wikang Filipino; at Filipino sign language.
May mga nagsasabi naman na si Rizal ay isang bayaning sinasabing American-sponsored hero.
Dahil sa malaking paghanga at paggalang ni Bonifacio at ng Katipunan kay Rizal, napabintangan tuloy ng mga Espanyol na siya ang pasimuno ng himagsikan sapagkat sa mga lugar na pinagpupulungan ng mga Katipunero ay may mga larawan ni Rizal.
Isa pa’y Rizal ang isa sa mga “password” na ginagamit sa Katipunan.
Bago pa man ang pananakop ng mga Amerikano, ginunita ng pamahalaan ni Aguinaldo noong 30 Disyembre 1898 ang kauna-unahang Rizal Day hindi bilang isang holiday kundi isang pambansang araw ng pagluluksa (national day of mourning) sa kamatayan ng pambansang bayani.
Marahil ay karapat-dapat lamang talaga ang “sobra-sobrang” atensiyong ibinibigay natin kay Rizal dahil isa siyang henyo ng kaniyang panahon.
Bata pa lamang ay magaling na siyang lumilok ng maliliit na estatwa mula sa bato, kahoy, at putik. Isa rin siyang lehitimong polygot (hindi linguist) dahil matatas o fluent siyang nakapagsasalita ng maraming
wika. Bukod sa Tagalog at Espanyol, marunong din siyang mag-Cebuano, Latin, Ingles, Pranses, Aleman, atbp.
At alam n’yo bang si Rizal ay itinuturing din na “Ama ng Panitikang Pambata ng Pilipinas” at “Ama ng Pilipinong Komiks” dahil siya ang kauna-unahang Pilipino na naitala sa kasaysayan natin na nagsulat o nagsalin sa Tagalog ng mga kuwentong pambata at gumuhit ng mga komiks.
Si Rizal rin ay isang mahusay na optalmologo
Sa pananatili niya sa HongKong at Dapitan, dinarayo siya ng napakaraming pasyente mula sa iba’t ibang dako upang magpagamot. Isa sa mga pasyenteng ito’y ang ina niya mismo, si Teodora Alonso. Sa Hong Kong ay matagumpay niyang naalis ang katarata sa kaliwang mata ng kaniyang ina at muli itong nakakita nang malinaw.
True. Ngunit sa dinami-dami ng mga kakayahan ni Rizal sa iba’t ibang larangan ay dito lamang siya hindi mahusay at maalam: sa pagkanta at pagtugtog ng gitara.
Ang kabata ay pinaikling “katulad kong bata” samantalang ang
Lalo pang tumitingkad ang pagiging henyo si Rizal dahil sa isang tula na kaniya raw isinulat noong siya’y walong taong gulang pa lamang, ang “Sa Aking Mga Kabata.”.
1861 Ipinanganak si Rizal.
1869 Isinulat ni Rizal ang “Sa Aking mga Kabata” noong siya’y walong taong gulang na.
1886. Nasa Europa si Rizal at noo’y isinasalin sa Tagalog ang dulang Wilhelm Tell ni Friedrich Schiller. Sa isang liham na ipinadala niya kay Paciano na kaniyang kapatid, nabanggit niya rito na nahirapan siyang tagalugin ang salitang libertad.
1896 Binitay si Rizal.
1906 Sa kauna-unahang pagkakataon ay naipalathala ang “Sa Aking mga Kabata.”
Ayon kay Ocampo, hindi pa malaganap ang paggamit sa salitang kalayaan noong ika- 19 na siglo.
Kung gayon ay sino ang sumulat ng “Sa Aking mga Kabata?” Tandaan na noong 1906 lamang naipakilala sa mas nakararaming tao ang tula. Una itong nailathala sa aklat na Kung Sino ang Kumatha kay Florante ni Hermenegildo Cruz.
Ayon sa salaysay ni Hermenegildo Cruz, nakuha niya ang tula kay Gabriel Beato Francisco, isa niyang kaibigan. Nakuha naman daw ni Francisco ang tula kay Saturnino Racelis, isang kaibigan ni Rizal.
Si Rizal daw mismo ang nagbigay kay Racelis ng naturang tula bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan. Sa kasamaang palad, sa dinami-dami ng mga liham, mga talaarawan o diary, at iba pang mga isinulat ni Rizal ay hindi man lamang nabanggit ang pangalan ni Racelis. Ni hindi rin nabanggit si Racelis sa talâ ng mga taong nakasalamuha ni Rizal.
Ang inyong lingkod, noong siya’y mag-aaral pa lamang, ay nakatagpo ng isang guro na naniniwala na si Rizal ang tunay na ama ni Adolf Hitler. Dahil maraming babaeng iniuugnay sa pambansang bayani, sinasabing sa pananatili niya sa Austria ay nakarelasyon daw ni Rizal si Klara Pölzl, ang ina ng diktator. Madali itong pabulaanan. Ipinanganak si Hitler noong 1889 samantalang nagtungo’t nilisan ni Rizal ang Austria noong 1887.
Si Jack the Ripper ay isang di pa nakikilalang (magpahanggang ngayon) kriminal sa London na pumatay ng limang prostitute doon. Tinagurian siyang ripper dahil inalis niya ang lamang-loob ng tatlo sa kaniyang mga biktima, na naging dahilan naman upang ipagpalagay ng pulisya na isa siyang siruhano o surgeon. Nagkataong siruhano din si Rizal, iyon nga lamang ay sa mata at hindi sa lamang-loob.
Nagkataon ding “J.R.” ang inisyal nina Rizal at Jack the Ripper. At higit sa lahat, habang nagaganap ang mga pagpatay ni Jack the Ripper mula Mayo 1888 hanggang Enero 1889, nagkataon namang noong mga panahong iyon ay naroon din si Rizal sa London.
kababata ay tumutukoy sa mga kapuwa bata na kasabay natin sa paglaki.
Bagama’t hindi pinangunahan ni Rizal ang himagsikan, siya naman ang
nagbigay-inspirasyon dito.
Kaya dahil na rin siguro sa pagiging masyadong overrated, ipinahayag ng National Historical Commission of the Philippines na “implied” o “ipinahihiwatig” ang pagiging pambansang bayani ni Rizal.
Ibig sabihin, bagama’t hindi siya de jure (sa batas) na pambansang bayani, nananatili si Rizal bilang isa sa mga de facto (sa katunayan) na pambansang bayani ng Pilipinas.
Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika, Siya ay nagpangaral sa ating bansa:
“Ang hindi raw magmahal sa sariling wika,
At higit sa mabaho at malansang isda.”
Isinulat ng may-akda ng tula (Sa Aking Mga Kabata) para sa mga katulad niyang bata at hindi lamang para sa kaniyang mga kababata.