Filipino

Cards (26)

  • Nagsimula bilang mga tulang may sukat at
    tugma subalit kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang
    pakanta at mas madaling matandaan o maisaulo - Awiting bayan
  • Ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao - Bulong
  • Nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay - Alamat
  • Nagsasaad Din ng mga di kapani-paniwalang pangyayari na
    nagpapakita ng kabayanihan ng pangunahing tauhan sa pook na
    pinanggalingan nito - Epiko
  • Pagpapasya kung matuwid o hindi ang isang sitwasyon o
    pangyayari sa isang kasanayan na maaring malinang sa paghahayag ng ideya, maaaring sang-ayon o hindi sang-ayon - Pagbibigay hatol
  • Mga salitang itinuturing na pamantayan dahil ito ang kinikilala,
    tinatanggap, at ginagamit ng karamihan - Pormal
  • Mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga
    pang-araw-araw na pakikipagtalastasan - Di Pormal
  • Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook
    na pinagmulan nito - Lalawiganin
  • Ito ang antas ng wika na maririnig sa ilang grupo, Sila
    lamang ang nakauunawa dahil sila-sila rin ang lumikha ng wikang
    ginagamit nila - Balbal
  • Tumutukoy sa isang wikan ginagamit sa
    pangkaraniwang mga usapan at hindi nangangailanagn ng wikang
    pormal sa anyo at estruktura - Kolokyal
  • Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian - Paghahambing ng magkatulad
  • kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap - Paghahambing ng di magkatulad
  • ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa - pahambing
  • isang uri ng panitikan - dula
  • Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga - mandudula
  • isang artikulong sinulat ng editor o patnugot ng isang pahayagan o diyaryo - editoryal
  • dito ipinakikilala ang napapanahong paksa o isyu - panimula
  • ipinapahayag dito ang malinaw na panghihikayat sa mambabasa - katawan
  • pagbibigay-diin sa tinatalakay na ideya o paksa - konklusyon
  • isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali - epiko
  • Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari - banghay
  • ang mga salitang hindi nagbibigay ng direktang kahulugan - matatalinhagang salita
  • bilang ng pantig sa bawat taludtod - sukat
  • lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari - tagpuan
  • siyang nagbibigay ng buhay sa epiko - tauhan
  • laging matatagpuan sa huling pantig ng bawat taludtod - tugma