FILIPINO KABANATA 5-7

Cards (51)

  • Nadatnan ni Basilio ang prusisyon para sa kapaskuhan nang siya ay dumating sa San Diego
  • Unang beses silang huminto nang inaresto ng mga guardya sibil ang kutsero dahil nalimutan nito ang kanyang dalan sedula. Kinulata ng walang awa ng mga guwardya ang kahabag-habag na kutsero.
  • Nasa unahan ng prosisyon ang karosa ng matandang lalaking may pinakamahabang balbas, nakaupo sa bingit ng isang hukay sa ilalim ng punong hitik sa lahat ng klaseng pinatuyong ibon. Siya ay si matusalem.
  • Sumunod ang karosa ng tatlong Haring Mago. > Haring Melchor
    > Haring Gaspar
    > Haring Baltazar
    Sakay ang tatlong hari sa kabayo.
  • Kasunod naman sa prusisyon ay ang payak na andas ni San Jose, panglaw ang mukha ng santo at ang tungkod ay napapalibutan ng mga bulaklak na azucena.
  • Ang kahuli-hulihan sa prusisyon ay ang birhen - nakasuot pastora at may suot na malapad na sumbrerong perdiyos at mahahabang balahibo na nagpapakita ng mahabang paglalakbay sa Jerusalem. Ang tiyan ng birhen ay nilagyan ng putol na kahoy at bulak para pagmukhaing buntis.
  • Hindi sumama ang kura sa prusisyon dahil ito'y galit sa mga tao dahil kinakailangan pa niya ng diplomasya para magbayad ang mga ito ng tatlumpung piso para sa bawat misa de aginaldo sa halip na dating dalawampung piso.
  • Nagkwento ang kutsero tungkol sa kwento ni Matusalem at sa Haring Bernardo na pinaniniwalaan ng mga indio na kanilang tagapagligtas.
  • Ang pangalan ng kutsero ay Sinong
  • Nalibang ang dalawa sa pagkkwentuhan at sa pagmamasid sa mga parol na nakasabit sa mga bahay kaya naman di nila napansin na namatay na pala ang ilaw sa karomata ng kanilang karwahe.
  • Habang ang kutsero ay pinagagalitan ng mga gwardya sibil, tahimik na bumaba ng karwahe si Basilio bitbit ang kanyang maleta.
  • Napansin ni Basilio na malungkot ang kapaskuhan sa San Diego ng taong iyon kumpara sa mga nagdaang taon.
  • Ni isa'y walang kamaganak na sasalubong kay Basilio sa bayang ito sapagkat wala naman na syang kamag-anak ditong tunay.
  • Ang tanging bahay na may gayak at masigla sa San Diego ay ang bahay ni Kapitan Basilio.
  • Naguusap sa loob ng tahanan si Kapitan Basilio, Kura Paroko at ang magaalahas na si Simoun. Pinag-uusapan nila ang pagpunta ng tatlo sa Tiani para makita ang mga alahas na itinitinda ni Simoun. Inako na ni Kapitan Basilio ang pagbili ng relo ng Alperes at ng pares ng hikaw ng kura.
  • Sa bahay ni Kapitan Tiago tumuloy si Basilio, ito na ang kanyang tahanan. Binabantayan ito ng katiwala.
  • Malaki ang paghanga ng katiwala kay Basilio sapagkat magaling maghimay ng bangkay ang binata. Ang paboritong gawin ni Basilio ay ang awtopsiya.
  • Ibinalita ng katiwala na dalawa sa katiwala sa bukid ang nasa kulungan at namatay rin ang matandang katiwala sa gubat.
  • Tuluyan nang nawalan ng ganang kumain si Basilio nang malaman niya ang nangyari kay Juli.
  • Umalis ng bahay ni Kapitan Tiago si Basilio habang ang kampana ay tumugtog para sa misa de gallo. Nagpalio-liko sya at nagpalinga-linga upang walang sinoman ang makakita sa kanya sa kanyang patutunguhan.
  • Pumasok si Basilio sa gubat na puno ng mga sala-salabit na sanga, ugat ng mga punong kahoy na nakasasalapid. Naririnig nya ang alon ng lawang malapit dito at ilang sandali pa'y nakarating siya sa malaki, matanda at mahiwagang puno ng puno ng balete. Ito ang matandang kagubatan ng mga Ibarra.
  • Nag-alis ng sumbrero si Basilio sa bunton ng bato upang magbigay galang sa puntod ng kanyang ina.
  • Labingtatlong taon na ang nakalilipas mula nang mamatay si Sisa.
  • Binalikan ni Basilio ang mga alaala ng nagdaang taon. Pipilay-pilay na hinabol ni Basilio ang kanyang inang nabaliw. Sa lugar na iyon namatay si Sisa. Isang lalaking sugatan ang nakatagpo sa batang si Basilio na noo'y nananangis sa sinapit ng kanyang ina. Inutusan sya ng lalaki na gumawa ng siga. Sinunod nya ang lalaki at nagbalik na may dalang mga panggatong.
  • Ngunit pagbalik nya ay patay na ang lalaki at katabi nito ay isa pang lalaking noon lamang niya nakita. Tumulong ang nasabing lalaki na sunugin ang bangkay ng unang lalaki at ilibing ang kanyang ina. Binigyan siya nito ng pera at pinaalis.
  • Lumuwas ng Maynila si Basilio upang makalayo sa mga makapangyarihan sa San Diego. Doon, siya ay nagpalaboy-laboy at namalimos habang gula-gulanit at may sakit.
  • Isang araw ay nakita nya ang karwahe lulan si Kapitan Tiago at Tiya Isabel na nagmula pa sa San Diego. Sinundan nya ang mga ito at natunton ang kanilang tahanan.
  • Namasukan siya bilang utusan na walang bayad, tinanggap sya ng mga ito sapagkat noo'y nasa monasteryo si Maria Clara.
  • Pinag-aral siya ni Kapitan Tiyago sa San Juan de Letran ngunit hindi niya nagustuhan sa mga unang taon niya rito sapagkat ang kanilang guro ay tamad magturo at hinahayaang ang mga estudyante ang magpaliwanag ng mga aralin
  • Nang tumuntong siya ng ikatlong taon, naging propesor nya ang isang paham na guro, mahusay sumulat at progresibo
  • Dahil sa nakitaan si Basilio ng sigasig sa pag-aaral, nabigyan sya ng mataas na marka.
  • Sa katuwaan ni Kapitan Tiago ay hinikayat niya si Basilio na na lumipat sa isang sikat na paaralan - Ateneo.
  • Nagustuhan ni Basilio ang turo ng mga Heswita sa paaralang ito. Pinanghinayangan man niya ang tatlong taon niyang nasayang sa unang paaralan, mas nagsumikap pa siya lalo upang mas gumaling.
  • Nakamit niya ang Bachiller en Artes sa kursong medisina.
  • Noo'y nasa huling taon na ng pag-aaral si Basilio at napiling bumigkas ng talumpati dahil siya ang nangungunang mag- aaral sa lahat ng magsisipagtapos.
  • Sa unang pagkakataon nakita ni Basilio ang mag-aalahas na walang suot na salaming asul. Si Simoun ang narinig niyang yabag sa dilim na ang anino'y patungo sa puntod ng kanyang ina sa gitna ng kakahuyan.
  • Naghuhukay ang mag-aalahas at paminsan-minsa'y naliliwanagan ng munting ilawan ang kanyang mukha.
  • Hindi maaaring magkamali si Basilio, kilala niya ang mukhang ito at nakita na niya ilang taon na ang nakararaan.
  • Ito rin ang lalaking humukay ng libingan ng kanyang ina, labing tatlong taon na ang nakalilipas.
  • Si Simoun ay pinagkakamalang Indiong Ingles, Portuges, Amerikano, Mulato, Kardinal Moreno, kagagalang-galang na itim, at espiritung masama ng Kapitan-heneral.