nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito at alamat.
tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Mga Elemento ng Mito
Tauhan - tumutukoy sa mga diyos, diyosa, bayani, o iba pang makapangyarihang nilalang na bumubuo ng kwento o panteon sa isang kultura.
Tagpuan - tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang mga pangunahing kaganapan ng mga kuwento o mito.
Banghay - naglalarawan ng pangunahing takbo ng kwento o mito - naglalaman ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, mga pagsubok, at mga tagumpay na nagaganap sa kwento.
Tema - naglalarawan ng pangunahing ideya o mensahe na nais iparating ng kwento.
Gamit ng mitolohiya:
ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
maikwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
magturo ng mabuting aral
maipaliwanag ang kasaysayan
maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng sangkatauhan
Mga Halimbawa ng Mito:
Nagkaroon ng Anak Sina Wigan at Bugan
Rihawani
Gilgamesh
Si Thor sa Lupain ng mga Higante
Mito
ang salitang “mito” ay galing sa salitang Latin na “mythos” at mula sa Greek na “muthos”, na ang kahulugan ay kwento.
Greek: Zeus / Roman: Jupiter
hari ng mga diyos
diyos ng kalawakan at panahon
tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako
asawa niya si Hera/Juno
sandata niya ang kulog at kidlat
Greek: Hera / Roman: Juno
reyna ng mga diyos
tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa
asawa ni Zeus/Jupiter
Greek: Poseidon / Roman: Neptune
kapatid ni Zeus/Jupiter
hari ng karagatan, lindol
kabayo ang kanyang simbolo
Greek: Hades / Roman: Pluto
kapatid ni Zeus/Jupiter
panginoon ng impyerno
Greek: Ares / Roman: Mars
diyos ng digmaan
buwitre ang ibong maiuugnay sa kanya
Apollo
diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaan
diyos din ng salot at paggaling
dolphin at uwak ang kanyang simbolo
Greek: Artemis / Roman: Diana
diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan
Greek: Hephaestus / Roman: Vulcan
diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
Greek: Athena / Roman: Minerva
diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan
kuwago ang ibong maiuugnay sa kanya
Greek: Hermes / Roman: Mercury
mensahero ng mga diyos, paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw, at panlilinlang