AP

Cards (36)

  • Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa pagkontrol ng isang bansa sa isang mahinang bansa. Ito ay karaniwang isinasakatuparan ng isang makapangyarihang bansa upang matugunan ang hangaring pangkomersiyo, pagpapalawak ng teritoryo,
  • Ang imperyalismo naman ay tumutukoy sa pagsakop o pagkontrol ng makapangyarihang bansa sa pangkabuhayan at pampolitikal na aspekto ng bansang sinakop.
  • Note : si Robert Clive ang pinakamagaling na mananakop
  • Krusada - tuloy-tuloy na digmaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.
  • maharajah o nawab - mga dating gobernador ng mga lokal na pamahalaan ng imperyong Mughal
  • sepoy - mga sundalong Indian na sinanay ng mga Kanluranin para sa pakikipaglaban
  • Si Pope Alexander VI ang Nagpasimula sa Treaty or Tordesillas noong 1493-1494.
  • COMTINUATION:
    • ang treaty of tordesillas ay napatigil dahil nalaman ng espanya na malulugi sila at hindi na sila makakapunta sa ibang bansa upang manakop.
  • viceroy - opisyal na namamahala sa gobyerno
  • divide and rule - patakarang may intensiyong magpasimula ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mamamayan na maaaring magkaisa laban sa isang tao o makapangyarihang namumuno
  • Rebolusyong Industriyal - transpormasyon mula sa agrikultural patungong industriyal ng isang bansa na nagsimula noong mga huling taon ng ika-17 siglo hanggang sa mga unang taon ng ika-18 siglo.
  • money-lender- pangkat ng mamamayang nagpapautang ng may mataas na interes
  • Ang daang-bakal na ipinagawa ng mga British ang bumuklod at luminang sa India bilang isang modernong ekonomiya.
  • thuggi - pinaniniwalaan ng ilang eksperto na isang relihiyosong kulto kung saan kinakailangang mag- alay ng buhay bilang sakripisyo sa diyosang si Kali
  • suttee - pagsama ng isang biyuda sa kaniyang yumaong asawa habang ito ay sinusunog
  • Ang Sykes-Picot Agreement ay lihim na kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Britain sa katauhan ng diplomatikong British na si Sir Mark Sykes at diplomatikong French na si François Georges- Picot. Ito ang lumikha ng kasalukuyang Kanlurang Asya. Ang kasunduang ito ay ginawang opisyal ng mga Allied Powers matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig sa San Remo Conference noong 1920.
  • spheres of influence - pantay na pakikibahagi ng mga bansang banyaga sa lahat ng karapatan at pribilehiyong pangkalakalang maaaring ipagkaloob ng isang bansa
  • Ang Balfour Declaration ay liham na nagmula kay Arthur James Balfour, kalihim panlabas ng Britain kay Lord Rothschild, kilalang miyembro ng pinakamaimpluwensiyang pamilyang Jew noong ika-19 siglo at lider ng British Jewish Community.

    isinasaad sa liham na ito ang kauna-unahang pahayag ng pagsuporta ng isang pamahalaan sa pagtatag ng estado para sa mga Jew sa Palestine.
  • Nasyonalismo (nationalism) - o ang higit na kaalaman na ang pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kalayaan ay hindi lang nangangahulugan ng pagbubuwis ng buhay kundi ang pagiging tapat sa papel na dapat gampanan sa lipunan o pamayanan.
    ito ay ang pagkakaisang damdaming politikal
  • ang Indian National Congress noon 1885 ay pinamunuan ni Womesh Chunder Bonnerjee.
  • at ang All Indian Muslin League noon 1906 ay tinatag ni Mohammed Ali Jinnah
  • Indian National Congress: pantay-pantay ang pag trato sa mga indiano
  • Note: All Indian Muslim League Paghiwalay nang bansa sa British-India noong 1947
  • Ang Rowlatt Act ay batas na nagkaloob ng karapatan sa pamahalaang British na supilin at ikulong ng dalawang taon, ang sinumang tututol sa patakarang British, nang walang paglilitis.
  • Dahil dito, kaagad ipinag-utos ni Heneral Reginald Dyer, ang komandanteng British sa Amritsar, ang pagpapaputok ng riple nang walang anumang babala sa mga nagpupulong. Ang pagpapaputok na naganap lamang ng sampung minuto ay nag-iwan ng 400 patay at 1,200 sugatang Indian.
  • Si Mohandas Karamchand Gandhi ay higit na kilala bilang Mahatma Gandhi o ang "Dakilang Kaluluwa" o "Great Soul." Siya ay itinuturing din bilang "Ama ng Bansang India."
    Si Gandhi ay nanirahan sa South Africa bilang isang manananggol sa isang pamayanang
  • Noong 1930, si Gandhi ay naglunsad ng mapayapang protestang tinawag niyang Salt March o Salt Satyagraha Campaign. Ito ay kaniyang isinagawa upang maipadama ang pagsuway sa Salt Act na ipinatupad ng mga British. na kinakailangan ding bayaran ng kaukulang buwis. Upang ipakita ang kanilang pagtutol, si Gandhi at ang kaniyang mga tagasunod ay naglakad ng may distansiyang 240 milya patungong baybay-dagat ng Dandi.
  • IBAT IBANG MANIPESTASYON NG NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA:

    1. ang Nasyonalismo ng mga Turk sa Imperyong Ottoman na nagtatag ng Republic of Turkey;
  • IBAT-IBANG MGA MANIPESTASYON NG NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA :

    2. ang Nasyonalismo ng mga Arab na humiling ng kalayaan mula sa mga Kanluranin; at
  • IBAT-IBANG MGA MANIPESTASYON NG NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA :

    3. ang Kilusang Zionism na nagnais magtatag ng sariling bansa sa Palestine.
  • Noong Hulyo 4, 1923, naganap ang Kasunduan sa Lausanne, Switzerland na nagtalaga ng hangganan ng Türkiye kasabay ng pagbibitiw nito sa mga dating kolonya na mga lalawigang Arab.
  • Si Mustafa Kemal Ataturk ang Ama ng Turkiye
  • Si Mustafa Kemal din ang nagtatag ng Kemalism / Anim na Palaso
    (nagrerepresenta ng anim na katangian ng turkey)
  • Ang Pan-Arabism ang modernong terminong gamit para sa pag-iisang politikal ng mga bansang Arab sa Kanlurang Asya.
  • si abdul aziz, na mas kilala bilang si sheik ibn-saud na pinag-isa ang mga kaharian ng arab noong 1932 at tinawag na Saudi Arabia.
  • ang zionism ay isang kilusang politikal ng mga jew na itinatag noong 1897 ni Theodore Herzl, isang manunulat na Jew mula sa Vienna Austria.