FIL112 - Quiz 2

Cards (44)

  • Layunin ng tekstong naratibovang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwenyo, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang.
  • Ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan
  • Maaaring may tekstong deskriptibo sa loob ng tekstong naratibo 
  • Ang naratibo ay gumagamit ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at kumakasangkapan, ng iba't ibang imahen, metapora, at simbolo, upang maging malkihain ang katha.
  • Mga punto de vista ng tekstong naratibo:
    Unang Panauhan
    Ikalawang Panauhan
    Ikatlong Panauhan
    Kombinasyong Pananaw
  • Unang panauhan - isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na "ako" ang nagsasalaysay  
  • Ikalawang Panauhan - mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya gumagamit siya ng mga panghalip na "ka" o "ikaw". Hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat.
  • Ikatlong panauhan - isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay "siya". 
  • Kombinasyong Pananaw - hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela.
  • Direkto o Tuwirang pagpapahayag - Direktang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi.
  • Di Direkto o Di tuwirang pagpapahayag - Ang tagapagsalaysay ang naglalahad ng sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.  
  • Tauhan - mga panauhin na pinapagalaw sa kuwento.
    2 paraan sa pagpapakilala ng tauhan:
    Expository - kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan.
    Dramatiko - kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag
  • Pangunahing tauhan - bida, umiimot ang mga pangyayari sa kuwento mula sa simula hanggang katapusan. Ang kanyang katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa kabuoan ng akda.
  • Katunggaling tauhan - kontrabida, sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat nabubuhay ang mga pangyayari dahil sa tunggaling nangyayari sa pagitan nila.
  • Kasamang tauhan - o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng bida.
  • Ang may-akda - lagi nang magkasama ang pangunahing tauhan sa kabuoan ng akda.
  • Tauhang bilog - multidimensional, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa pangangailangan. dynamic karakter
  • Tauhang lapad - predictable. hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhan sa kabuoan ng kuwento. static karakter.
  • Tagpuan at panahon - lugar, panahon, oras, petsa, taon, ng kuwento
  • Banghay - maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
  • Panimula - o introduction / orientation. maipapakilala ang tauhan, tagpuan, at tema.
  • Suliranin - o conflict, pagpapakilala sa problema na ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan particular ang pangunahing tauhan.
  • Saglit na kasiglahan - o rising action. hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas ng suliranin.
  • Kasukdulan - o climax. patuloy sa pagtaas ng pangyayaring humahantong sa climax.
  • Kakalasan - o falling action. pababang pangyayari na humahantong sa isang resolusyon o kakalasan.
  • Wakas - o ending. Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas.
  • Simula - bumabanggit ng tagpuan, mga tauhan, at pahiwatig na suliranin. Maaaring ang pook at panahon ay hindi tuwirang sinabi.
  • Gitna - ang nagsasabi kung ano ang nangyari sa mga tauhan, at ano-ano ang mga sinabi na tumutulong din naman sa pag-unlad o pagdaloy ng kuwento.
  • Wakas - dinadala ang kasaysayan o kongklusyon. Maaaring ang wakas ay kasabay na rin ng kasukdulan.
  • Analepsis o flashback - dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
  • Prolepsis o flash-forward - dito nama'y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
  • Ellipsis o cut scenes - may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
  • Paksa - ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari ng tekstong naratibo.
  • Tema - mahuhugot ang mga pagpapahalaga, mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang pangkatauhang magagamit sa mabuting pamumuhay
  • Naratibong nagpapabatid o informative narrative - isinisulat upang maghatid o magbigay ng mga kaalaman o kabatiran sa mga mambabasa. Karaniwang walang banghay.
  • Naratibong masining o artistic narrative - isinusulat upang makaaliw. Karaniwang may banghay.
  • Tekstong deskriptibo - pagpapahayag ng mga impresyonco kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at pansalat (feel) ang paglalarawan ng mga detalye.
  • Obhektibo o Kongkretong deskripsyon - concrete description ang makatotohanang ayos at anyo ng bagay na inilalarawan sa pamamagitan ng mga tiyak na impormasyon batay sa pisikal na katangian.
  • Subhektibo o Malikhaing Deskripsyon - naghahatid ito ng buhay na larawan ayon sa pagkakita at damdamin ng manunulat. Sa ganitong paraan ay nagigising ang guniguni ng mambabasa. Gumagamit ng mga tayutay at matalinhagang pahayag.
  • Teknikal na Deskripsyon - madalas na ginagamit ng uring ito ang mga grap o ilustrasyong ispesipikong matukoy ang katangian ng nais ipaliwanag. Akyurasi ay presisyon