Ayon kina Castillo et al. (2008), ang malikhaing pagsulat ay isang natatanging uri ng pagsulat sapagkat kailangan nitong magtaglay ng mahusay na diwa at paksa. Ito ay pagbubuo ng imahen o hugis na kakaiba sa karaniwan.
Malikhaing Pagsulat:
Nangangailangan din ito ng kakayahang mag-isip, magdanas, magmasid, at matuto
Malikhaing pagsulat:
Bukod sa pangangailangang maunawaan, ang pinakasimpleng kahingian sa pagsusulat upang maituring itong malikhain ay ang pagiging mapagparanas at makintal
Para naman kina Castro et al. (2008), ang malikhaing pagsulat ay gumagamit ng mayamang imahinasyon ng isang manunulat.