FIL 21 QUIZ 1

Cards (41)

  • Ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ay ang pagkakaroon aroon ng pambansang pagkakaunawaan (Almario, 2014).
    Wikang Pambansa
  • Ang nagkaisahang pasiya sa 1934 Kumbensyong Konstitusyonal na pumili ng isang katutubong wika upang pagbatayan ng Wikang Pambansa ay produkto ng Nasyonalista at Kontra-Kolonyalista.
  • Ang paglapastangang ginawa ni Gng. Arroyo sa wikang FILIPINO. Noong nasa posisyon siya bilang Pangulo ng ating bansa ay inilabas niya ang Executive Order Blg. 210 na may pamagat na "Establishing the Policy to Strengthen the use of English as a Second Language in the Education System."
  • Inilantad ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga asignatura sa Kolehiyo sa pagtataguyod ni Dr. David Michael M. San Juan, convenor ng Tanggol Wika, Associate Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila.
    Oktubre 3, 2011
  • At sinimulan ang pagpapalaganap ng isang petisyon na may layuning "urging the Commission on Higher Education (CHED) and the Department of Education (DepEd) to consider issuing an immediate and moratorium on the implementation of SHS/Junior College and Revised Gen Ed Curriculum (RGEC) components the K to 12 Program which might cause the drownsizing or ven abolition of the Filipino departments in a number of universities (other departments would surely be downsized too)."
    Oktubre 3, 2012
  • Sa isang presentasyon ay inilahad ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali, Esq. na walang asignaturang Filipino sa bagong Revised General Education Curriculum (RGEC).
    Agosto 29, 2012
  • Sa pamumuno ni Prop. Ramilito Correa, may-akda at noo'y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang "Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum' na may pamagat na "Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan Asignaturang may Mataas na Antas."
    Disyembre 7, 2012
  • Sa pagtataguyod ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), pinagtibay ng mga gurong delegado sa isang Pambansang Kongreso ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) ang isang resolusyon hinggil sa "Pagtiyak sa Katayuang Akademiko bilang Asignatura sa Antas Tersyarya."
    Mayo 31, 2013
  • Inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalim ng K to 12: "Understanding the Self; Readings in Philippine History; The Contemporary World; Purposive Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics."
    Hunyo 28, 2013
  • Anim hanggang siyam na yunit ng asignaturang Filipino.
    CMO NO. 04, SERIES OF 1997
  • Mandatoring panturo ang Wikang Filipino.
    CMO NO. 59, SERIES OF 1996
  • Pagbuo ng panibagong liham-petisyon na naka-address sa CHED. Pinamunuan ito nina Dr. David Michael M. San Juan, sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas. Kasama sina Prop Geronimo at Sicat-De Laza, mga guro ng UST, UP-DILIMAN, UP-MANILA, ADMU, MC, PNU, NTC, at mga samahan gaya ng PATAS, AT SANGFIL.
    Marso 3, 2014
  • Pinagtibay ng NCCA/NCLT ang isang resolusyon na "HUMIHILING SA CHED, AT KONGRESO AT SENADO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS NA AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG ISAMA ANG BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS TERSYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO."
    Marso 23, 3014
  • Inilabas naman ng KWF ang "KAPASYAHAN NG KALIPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG 2014... NA NAGLILINAW SA TINDIG NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO HINGGIL SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION MEMORANDUM BLG. 20, S. 2013."
    Hunyo 20, 2014
  • Sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contrearas ng DLSU ay nakipagdiyalogo sa 2 komisyuner ng CHED na sina Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU, AMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State University.
    Hunyo 2, 2014
  • Sa pagtataguyod nina Dr. San Juan at Dr Contreras at paglahok ng mga guro, napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang kinatawan ng mga unibersidad na nanggigiit ng pagkakaroon ng Asignaturang Filipino sa antas tersyarya.
    Hunyo 16, 2014
  • Bienvenido Lumbera, National Artist- Isa sa mga Tagapagsalita sa Forum sa paglahok ng halos 500 delegado mula sa kolehiyo, unibersidad at organisasyong pangwika at pangkultura, nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum sa DLSU-Manila.
    Hunyo 21, 2014
  • Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa mga naisin ng Tanggol Wika.
    Hulyo 4, 2014
  • Inilabas ang dokumentaryong gaya ng "Sulong Wikang Filipino" (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera) at "Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Filipino, Para Kanino?"
    Agosto 2014
  • Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon at mahigit 100 propesor mula sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad.
    Abril 15, 2015
  • Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng ACT Teachers Partylist), atty. Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon.
    Abril 15, 2015
  • (Ito ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R. No. 217451 (Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/CHED Dr. Patricia Licuanan.
    Abril 15, 2015
  • Batas Republika 7104 o "Commission on the Filipino Act"
  • Batas Pambansa Blg. 232 o "Education Act of 1982
  • Batas Republika 7356 o "An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Art and for Other Purposes".
  • Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO).
    Abril 21, 2015
  • Lumabas ang CHED Memo na may paksang Clarification on the Implementation of CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013 Entitled "General Education Curriculum; Holistic Understandings Intellectual and Civic Competencies".
    Hulyo 18, 2016
  • Sa pamumuno Departamento Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni Prop Marvin Lai, tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na organisasyong Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng K-12 ay wala nang required na Philippine History subject).
    Setyembre 23, 2016
  • Lumabas ang isa pang memorandum ng tagapangulo ng CHED- Dr. Patricia Licuanan at may paksang Clarification on the Offering of Filipino at Panitikan Courses in all Higher Education Programs), na hindi naman nila na gaanong ipinalaganap.
    Hulyo 11, 2017
  • Natanggap ng Tanggol Wika ang isang "manifestation and motion" sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General.
    Agosto 9, 2017
  • Pormal na itinatag sa PUP ang Kilos na para sa Makabayang Edukasyon (KMEd) Prop. Marvin Lai- namumuno sa Departamento ng Filipinolohiya ng PUP. Dr. Ernesto Carandang II- namumuno sa Departamento ng Filipino sa DLSU.
    Agosto 25, 2017
  • Prop. Marvin Lai - namumuno sa Departamento ng Filipinolohiya ng PUP.
  • Dr. Ernesto Carandang II - namumuno sa Departamento ng Filipino sa DLSU.
  • Walong Pangunahing Wika
    Bisaya, Cebuano, Hiligaynon, Ilocano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, Waray
  • PSLLF
    Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
  • PATAS
    Pambansang Asosasyon Ng Mga Tagapagtaguyod Ng Salin
  • SANGFIL
    Sanggunian sa Filipino
  • NCCA
    National Commission for Culture and the Arts
  • NCLT
    National Committee on Language and Translation
  • SWP
    Surian ng Wikang Pambansa