Tula, Tayutay, Alamat, Pagsasaling-wika

Cards (42)

  • Tula -isang anyo ng panitikan na kinapapalooban at ginagamitan ng mga matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.
    • Tulang Pasalaysay - Mga Kuwento o naratibo ng mga pangyayari sa pormang patula.
  • Awit at korido - pangunahing paksa ay romansa at pakikipagsapalaran.
  • Awit - binubuo ng labindalawahing pantig sa bawat taludtod.
  • Korido - wawaluning pantig sa bawat taludtod.
  • Epiko - Pangunahing paksa ang Kabayanihan at katapangan ng isang bayani ng bayan na kinapapalooban ng mga hindi kapanipaniwalang pangyayari.
  • Tulang Patanghal -mga akdang tula na isinasadula at itinatanghal.
  • Parsa - May layuning magpasaya at magbigay-aliw sa painamagitan ng nakatatawang kaganapan..
  • Trahedya - Ang katapusan ay kadalasang pagkasawi o pagkawasak ng tauhan.
  • komedya - Ang tauhan ay may hangaring patawanin o kawilihan ng manunood.
  • Melodrama -Musikal na pagtatanghal kalimitang malungkot ngunit nagwawakas nang masaya
  • Tulang Patnigan -sa uri ng laro paligsahan
  • Duplo -ang mga arguimento ay mula sa Bibliya, kasabihan, at sawikaan.
  • Balagtasan -tagisan ng talino at katuwiran sa anyong paligkas
  • karagatan -Hango sa prinsesalng nahulog sa dagat ang singsing at kung sinuinang lalaki ang makakukuha ay iibigan niya.
  • tulang Pandamdamin -tulang liriko na kinapapalooban ng marubdob na damdamin.
  • Dalit - Awit ng papuri para kay Birheng Maria na may kakabit na pilosopiya sa buhay
  • Awiting bayan - Mga paksa ay tumatalakay sa pag-ibig, pag-asa, kasawian, at Kalungkutan na napasaling dila na.
  • Soneto -Labing-apat na taludtod na kakikitaan ng damdamin.
  • Tayutay -hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan ng isang pahayag
  • Pagtutulad o simile - tuwirang paghahambing ng 2 bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ginagamit ang salita at pariralang tulad ng katulad ng parang, kawangis ng anaki'y, animo
  • Pagwawangis o Metapora -tuwirang paghahambing ng 2 bagay Ipinalalagay na magkatulad ang 2 bagay
  • Pagmamalabis o Hyperbole - Pagpapahayag ng kalabisan sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais ipahayag.
  • Pagsasatao o Personipikasyon Pagbibigay - buhay at paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay
  • Paghihimig o Onomatopiya -paggamit ng mga salita at ang katumbas na tunug sa pag-alam ng kahulugan
  • Pagtawag o Apostrophe -komunikasyon a pakikipag-usap sa bagay o damdamin na walang buhay.
  • Pag-uulit o Alliteration - Pag-uulit ng mga pantig o salita sa loob ng pangungusap.
  • Pag-uyam o irony - Pahayag na ginagamitan ng pagkutya o panlalait.
  • Pagkasalungat o oksimoron -Pahayag na pagsalungat sa tunay na kahulugan.
  • Pagpapalit saklaw o sinekdoke - Pagbanggit ng bahagi sa pagtukoy sa kabuuan.
  • Matrilinear - pamamahala ng kababaihan
  • Patrilinear - pamamahala ng kalalakihan
  • Mula - ang ibig sabihin ay simula o umpisa
  • Alamat (legenda o legend) -uring kuwentong bayan na nagsasalaysay tungkol sa kasaysayan ng pinagmulan ng mga bagay-bagay
  • Mulamat o mito - mito ay kilala rin sa mulamat, ayon kay Jose Arogante (1991). tungkol sa mga Diyos o Diyosa, bathala o mga anito.
  • Pagsasaling salita-sa-salita (one-on-one translation) -tinatawag din itung literal na salin
  • Naturalisasyon (naturalization) - may pagkakahawig sa transference ngunit dito ay ina-adapt muna ang normal na pagbigkas at pagkatapos ang normal na morpolohiya sa target na wika
  • Leksikal na kasingkahulugan (lexical synonymy) -Ibinibigay ang malapit na katumbas o angkup na kasingkahulugan sa target na wika na pinagmulang wika.
  • Kultural na katumbas (Cultural equivalent) -Itinuturing itong malapit o halos wastong salin
  • Adaptasyon o panghihiram (transference) -Ibang katumbas nito ay adoption, transcription, o loan words na ibig sabihin ay ang paglilipat o panghihiram ng mga kultural na salita mula sa simulaang wika patungo sa tunguhang wika