Tula

Cards (6)

  • Tula
    • isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
    • akdang pampanitikan na di tuluyan na ginamitan ng piling-piling mga salita.
  • Mga Anyo ng Tula
    • Tradisyunal - mayroong sukat at tugma, piling-pili ang mga salita’t talinghaga.
    • Blangko Berso - mayroong sukat ngunit walang tugma.
    • Malayang taludturan - walang sukat at tugma.
  • Mga Uri ng Tula
    • Tulang Pasalaysay - naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod.
    • Tulang Liriko/Pandamdamin - itinatampok ang sariling damdamin at maging ang pagbubulay-bulay ng makata.
    • Tulang Patnigan - tulang sagutan na itinatanghal ang magkakatunggaling makata, ngunit hindi sa paraang padula.
    • Tulang Pantanghalan/Dula - isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan.
  • Mga Elemento ng Tula
    • Saknong - isang group sa loob ng isang tula na may dalawa o mas marami pang linya (taludtod).
    • Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
    • Tugma - tumutukoy sa pagkakatulad o pagkakasunod-sunod ng tunog sa huling bahagi ng mga salita sa bawat taludtod.
  • Mga Elemento ng Tula
    • Kariktan - tumutukoy sa pagiging makulay, malikhaing, o masining ng wika at imahe na ginagamit ng makata.
    • Simbolo - naglalarawan ng isang abstraktong ideya, damdamin, o konsepto sa pamamagitan ng mga literal na imahen, salita, o pahayag.
    • Talinghaga - naglalaman ng larawan o pahayag na nagbibigay buhay sa mas malalim na ideya o mensahe na nais iparating ng makata.
  • Mga Halimbawa ng Tula
    • Kundiman
    • Ang Awit ni Maria Clara
    • Pinatutula Ako
    • Pag-ibig sa Tinubuang Lupa