Aralin 1 Batayang Kaalaman sa Pagbasa

Cards (52)

  • Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip, ito ay isang prosesong interaktibo at may sistemang sinusunod.
  • Task driven - ginagawa ang pagbasa dahil kailangan
  • Text driven - nagbabasa dahil interesado (entertained)
  • Purpose driven - nagbabasa dahil may layunin
  • Intensibong Pagbasa - may kinalaman ito sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto
  • Ekstensibong Pagbasa - may kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales
  • Scanning - pagbabasa sa teksto ay nangangailangan ng bilis. Ito ay nakatuon sa paghahanap ng mga tiyak na impormasyon. Talas ng paningin at memorya ang puhunan ng isang mambabasa upang matukoy ang mga tiyak na datos ukol sa pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sabi.
  • Skimming - pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto. Sa pamamagitan nito, ay maibubuod ng mambabasa ang konsepto o ideyang nakapaloob sa kanyang binasa.
  • Pang-unawang Literal
    masasabing nararating o naranasan ang pang-unawang ito kung makagagawa ng buod, balangkas ng paghahanay ng mga kaisipan o maibibigay ang pangunahing kaisipan.
  • Interpretasyon
    pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda kalakip ang mga karagdagang kahulugan. Dito ang mambabasa o mag-aaral ay maaring magpahayag ng sariling palagay, magbigay ng puna o magharap ng kalutasan, pag-unawa sa mga tayutay o register ng pahayag at magbigay ng saloobin o pandama.
  • Mapanuring Pagbabasa
    Pagkaalam sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad. Dito ang mambabasa o mag-aaral ay inaalam ang kakintalang ipinahahayag ng binasa, naghahamon sa malawak at nakikita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga diwa`t pangyayari sa katotohanan.
  • Aplikasyon
    Dito ang mambabasa o mag-aaral ay iniuugnay ang kanyang binasa sa sariling karanasan na mauuwi sa pagmumungkahi o pagtatakda ng wastong direksyon sa larangan ng buhay. Ito’y humahantong bilang daan sa pagbabago o pagtutuwid ng mga kamalian.
  • Pagpapahalaga
    Dito ang mambabasa ay nagaganyak na lumikha o gumawa ng sariling panunulat o paglalapat ng mga kaukulang pagbabago sa binasang akda.
  • Text driven - Wattpad books, Manga, etc.
  • Task driven - Textbooks, akademikong sulatin.
  • Purpose driven - recipe, instruction manual sa mga gamit.
  • Ang pangunahing layunin ng pagbasa ay pagbuo ng kahulugan nakinapapalooban ng pag-unawa at aktibong pagtugon sa binabasa
  • Ang pagbabagong pangteknolohikal ang dahilan kung bakit angpagbabasa ay isang gawaing interaktibo, wala pinipiling lugar o oras para sa gawaing ito
  • Unang Dimensyon - Pang-unawang Literal
  • Ikalawang Dimensyon - Interpretasyon
  • Ikatlong Dimensyon - Mapanuring Pagbasa
  • Ikaapat na Dimensyon - Aplikasyon
  • Ikalimang Dimensyon - pagpapahalaga
  • Pang-unawang literal - Pagpuna sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
  • Pang-unawang literal - Pagkuha ng pangunahing kaisipan
  • Pang-unawang literal - Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungan
  • Pang-unawang literal - Paghanap ng katibayan laban sa o para sa isang pansamantalang konklusyon
  • Pang-unawang literal - Pagkilala sa mga tauhan
  • Interpretasyon - Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghagang salita
  • Interpretasyon - Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan
  • Interpretasyon - Pagbigay ng mga kuru-kuro at opinyon
  • Interpretasyon - Paghula sa kinalabasan
  • Interpretasyon - Paghinuha sa mga sinundang pangyayari
  • Interpretasyon - Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
  • Interpretasyon - Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa
  • Mapanuring Pagbasa - Pagdarama sa pananaw ng may-akda
  • Mapanuring Pagbasa - Pag-unawa sa mga impormasyon o kakintalang nadama
  • Mapanuring Pagbasa - Pagkikilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap
  • Mapanuring Pagbasa - Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talataan
  • Mapanuring Pagbasa - Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwento