Kasama sa bawat pagpapasiya sa araw-araw ay ang mamili sa pagitan ng tama at mali, mabuti at masama
"Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.” Kung ano ang makasasama sa iyo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo,makabubuti rin ito sa kaniya. Bakit nga ba? Sapagkat siya ay iyong kapwa tao
Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao. Ito ang tunay na mensahe ng gintong aral (Golden Rule)