itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan.
binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
Mga katangiang dapat taglayin ng Nobela
Malinaw at maayos na paglalahad ng mga tagpo at kaisipan.
Isinasaalang-alang ang tungkol sa damdamin.
Pumupukaw sa kawilihan at damdamin.
Pumpuna sa lahat ng aspeto ng buhay tulad ng kabuhayan, pamahalaan at relihiyon.
Malikhain, mayaman sa imahinasyon kaya maguni-guni ang paglalahad.
Ang balangkas ay may kaisahang ibig mangyari.
Mga Elemento ng Nobela
Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan.
Tauhan - sa nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela
Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda (a. una, kapag kasali ang may-akda; b. pangalawa, ang may-akda ang nakikipag-usap; c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda)
Mga Elemento ng Nobela
Tema - paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela
Damdamin - nagbibigay-kulay sa mga pangyayari
Pamamaraan - estilo ng manunulat/awtor
Pananalita - diyalogong ginamit
Simbolismo - nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari