Talumpati

Cards (5)

  • Talumpati
    • pormal na pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan sa harap ng isang pangkat ng tao.
    • kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko.
  • Mga Bahagi ng Talumpati
    • Panimula – Sa bahaging ito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig. Kadalasang gumagamit ng anekdota o mga linya/pahayag na panawag-pansin ang nagtatalumpati upang pukawin ang interes ng mga tagapakinig.
    • Paglalahad – Ang bahaging ito ang pinakakatawan sa talumpati. Dito inilalahad ang isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay. Dito rin ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang layunin ng kanyang talumpati sa mga tagapakinig.
  • Mga Bahagi ng Talumpati
    Paninindigan – Dito ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang kanyang mga katwiran hinggil sa isyu. May layunin itong humikayat o magpaliwanag sa mga nakikinig.
    Pamimitawan/Konklusyon – Sa bahaging ito binibigkas ang pangwakas na pangungusap ng isang talumpati. Kailangan din magtaglay ito ng masining na pangungusap upang mag-iwan ng kakintalan sa mga tagapakinig.
  • Mga Anyo ng Talumpati
    Impromptu - walang paghahanda ang mananalumpati.
    Extemporaneous - may inihandang balangkas ng talakay at may panahong magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang pagsasalita.
    Inihanda/Binabasa - inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
  • Mga Layunin ng Talumpati
    • magturo 
    • magpabatid 
    • manghikayat 
    • manlibang 
    • pumuri 
    • pumuna 
    • bumatikos