tulang nagsasaad ng kabayanihan at kakaibang kapangyarihan ng pangunahing tauhan.
Awit -
Isang uri ng tulang lalabindalawahing pantig at binibigkas nang mabagal. Ang mga kaganapan ay nagmula sa danas ng isang indibidwal.
Korido -
Isang uri ng tula na wawaluhing pantig at binibigkas nang mabilis. Pantasya at kababalaghan ang karaniwang nilalaman nito.
Balad -
Ito’y may himig awit sa dahilang ito’y inaawit habang may nagsasayaw.
Balitao -
Isang debateng sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at lalake
Soneto -
Binubuo ng labing-apat na taludtod at naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Kantahing Bayan o Awiting Bayan - Isang uri ng tulang liriko na karaniwang inaawit na may kaalinsabay na gawain. Oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo.
Balagtasan - Pagpapalitan ng katwiran sa anyong patula.
Karunungang Bayan - Mga sinaunang tula na maikli lamang.
Karagatan - Tagisan ng husay sa pagtula upang makuha ang singsing ng prinsesang nahulog sa dagat. Pinangungunahan ang larong ito ng isang nakatatanda at sinisimulan ang pagpapagalingan sa pagtula sa pamamagitan ng isang lumbo.
Duplo - Uri ng tulang patnigan na ginagamit sa mga lamay. Tagisan ng talino at husay sa pagtula. Ang mga pangangatwiran ay hango sa Banal na Kasulatan, mga salawikain at kasabihan.
Tugmaang Pambata - Mga tula/awit na ginagamit ng mga bata sa kanilang paglalaro
Haiku - Tulang sumikat noong panahon ng hapon na binubuo ng tatlong taludtod. May 5 – 7 – 5 itong pantig sa bawat taludturan
Tanaga - Maikling tula na binubuo ng apat na taludtod na may pipituhing pantig.
Singkian - Binubuo ng limang saknong. Ang una ay isang pangalan. Ikalawa ay dalawang pang-uri, ikatlo naman ay pandiwa, ikaapat ay dalawang parirala at panghuli naman ay tungkol muli sa pangalang nasa unahan.