UP NAMNAMA

Cards (8)

  • Ako'y magsasakang bayani ng bukid
    Sandata' y araro matapang sa init
    Hindi natatakot kahit na sa lamig
    Sa buong maghapon gumagawang pilit.
  • Ang kaibigan ko ay si Kalakian
    Laging nakahanda maging araw-araw
    Sa pag-aararo at paglilinang
    Upang maihanda ang lupang mayaman
  • Ang haring araw di pa sumisikat
    Ako'°y pupunta na sa napakalawak
    Na aking bukiring laging nasa hagap
    At tanging pag-asa ng taong masipag.
  • Sa aking lupain doon nagmumula
    Lahat ng pagkain nitong ating bansa
    Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
    Sila' y umaasa sa pawis ko't gawa.
  • Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
    Ang aki'y dumami ng para sa lahat
    Kapag ang balana'y may pagkaing tiyak
    Umaasa akong puso y nagagalak.
  • At pagmasdan nino ang aking bakuran
    Inyong makikita ang mga halaman
    Dito nagmumula masarap a gulay
    Paunang pampalakas sa ating katawan.
  • Sa aming paligid namamalas pa rin
    Ang alagang hayop katulad ng kambing
    Baboy, manok, pato'y alay ay pagkain
    Nagdudulot lakas sa sailing atin.
  • Ako'y gumagawa sa bawat panahon
    Na sa aking puso ang taos na layon Na sa bawat tao, ako' y makatulong At nang maiwasan ang pagkakagutom.