FILIPINO

Cards (26)

  • Ayon kay Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers
  • ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
  • Ayon kina Wixson et al. (1987) sa
    artikulong "New Directions in Statewide Reading Assessment"
  • Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
  • Intensibo
    Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na paghahanap ng kahulugan.
  • Intensibo
    Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ang pagbabalangkas o paggawa ng larawang konseptuwal upang lubos na maunawaan ng mag-aaral ang isang teksto.
  • Ekstensibo
    nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anomang asignatura.
  • Ayon kina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes
  • Ekstensibo
    Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha lamang ang "gist" o pinaka-esensya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang kahulugan.
  • Scanning
    Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa.
  • Scanning
    Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo.
  • Skimming
    Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
  • Primarya
    Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa.
  • Mapagsiyasat
    Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito.
  • Analitikal
    Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat.
  • Sintopikal
    nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa.
  • Pagtatasa ng komprehensiyon
    ito ay ang pagsagot sa mga tanong kaugnay ng iyong binasa.
  • Pagbubuod
    paglalahad ng buong tekstong binasa sa maikling paraan na hindi nalalayo sa impormasyon at kaisipang inilahad.
  • Pagbuo ng sintesis
    kapareho ng pagbubuo ngunit inilalagay mo rito ang iyong personal na pananaw tungkol sa binasa.
  • Ebalwasyon
    pagtukoy ito sa kahalagahan ng binasa at ugnayan ng mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
  • Ang pananaw ay ang pagtukoy kung ano ang preference ng manunulat sa teksto.
  • Ang layunin ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat ng teksto.
  • Ang damdamin naman ay tumutukoy sa damdamin ng sumula.
  • Ang paraphrase ay isang kasanayan sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda.
  • Ang abstrak naman ay madalas na ginagawa sa pagsulat ng mga teknikal na papel katulad ng tesis at disertasyon.
  • Ang rebyu naman ay madalas na ginagamit sa mga akdang pampanitikan.