Filipino 3rd quart

Cards (55)

  • Tinatawag na kambal katinig ang magkadikit na katinig sa loob ng isang pantig
  • Ang DIPTONGGO ay alinmang patinig na sinundan ng malapatinig na (w, y) sa loob ng isang patinig / ay, ey, ou, uy, aw, iw /
  • Ang Ponemang Katinig ay binubuo ng 21 ponema na kinabibilangan ng /p, t, k, b, d, g, m, n, s, h, f, v, z, l, r, j, w, y, ?/
  • Ang PONOLOHIYA ay ang pag-aaral ng mga makabuluhang tunog na tinatawag na ponema.
  • Ponema - ay nahati sa dalawang pangkat, ang ponemang segmental at ponemang supra-segmental.
  • Kabilang sa ponemang segmental ang patinig, katinig, klaster, diptonggo, ponemang malayang nagpapalitan at pares minimal.
  • Ang PATINIG (P) ay binubuo ng lima na kinabibilangan ng /a, e, i, o, u, /.
  • Pares Minimal - Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na?
  • Ponemang malayang nagpapalitan - Kung ang dalawang ponema ay malayang nagpapalitan ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita
  • Paraan ng artikulasyon - naglalarawan kung paano pinatutunog ang mga ponemang katinig sa ating bibig
  • Panlabi - ang mga ponemang p., b, m ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng ibabang labi sa itaas na labi
  • Panlabi-pangngipin - ang mga ponemang f, v ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdidikit ng labi sa mga ngipin sa itaas
  • Pangngipin - binibigkas sa pamamagitan ng pagdidikit ng dila sa likuran ng mga ngipin
  • Panggilagid - ay binibigkas sa ibabaw ng dulong sila na dumidikit sa punonog gilagid
  • Pangngalangala - ay binibigkas sa punong dila at dumidikit sa matigas na bahagi ng ngalangala
  • Panlalamunan - at binibigkas sa pamamagitan ng ibaba ng punong dila nana dumikit sa malambot na ngalangala
  • Glottal - ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit at pagharang ng presyon ng papalabas ng hininga upang lumikha ng glottal na tunog
  • Punto ng artikulasyon - ay nagsasabi kung saang bahagi ng bibig ang ginagamit upang makalusot ang hangin sa pagbigkas ng isang ponema
  • Mitolohiya - Karaniwang tumatalakay sa mga Diyos, Diyosa, Bathala, Diwata at mga kakaibang nilalang na may kapangyarihan
  • Alamat - isang kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang mga bagay-bagay.
  • Kuwentong bayan - isang maikling kuwento tungkol sa isang tauhang naninirahan o paniniwalang litaw na litaw sa isang partikular na lugar o pangkat.
  • Maikling kuwento - isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
  • Tauhan - Likha ng mga manunulat ang kanyang mga ___. May pangunahing ___kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na ___.
  • Tagpuan - Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
  • Saglit na kasiglahan - Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan
  • Suliranin - Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
  • Kasukdulan - Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
  • Kakalasan - Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
  • Wakas - Tinatawag na trahedya kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.
  • Komunikasyon - isang proses ng pagpapalitan ng impormasyon
  • Komunikasyong-berbal - ay ang uri ng ng komunikasyon na gumagamit ng salita sa anyong pasalita at pasulat
  • Pasalita(uri ng komunikasyon-berbal) - ginagamit ito kung binibigkas o naririnig
  • Pasulat(uri ng komunikasyon-berbal) - ginagamit ito kung binabasa
  • Komunikasyong-Di-berbal - isang sistema ng komunikasyon na hindi gumagamit ng salita
  • Galaw ng katawan - pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang iba't ibang bahagi ng katawan
  • Proksemika - pag-aaral ng komunikasyong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall, isang antropolphiya
  • Siyentipikong oras - ginagamit lamang ito sa laboratory at kaunti lamang ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw nating pamumuhay
  • Pormal-na-oras - tumutukoy kung paano binibigyan ng kahulugan ang kultura at kung paano into tinuturo. Halimbawa ay ang sigundo, minuto, oras, araw, linggo
  • Impormal-na-oras - medyo maluwag sapagkat hindi eksato. Halimbawa ay ang magpakailanman, agad-agad
  • Sikolohikal-na-oras - tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap