KomPan

Subdecks (1)

Cards (95)

  • Interaksyonal - ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal   sa kapwa tao. 
  • "Pakikipagpalitan ng mensahe sa kaibigan na nasa malayong lugar gamit ang pagpapalitan ng liham o hindi kaya ay sa telepono." ?
    Interaksyonal
  •  Instrumental - ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan, pakikipag-usap o pag-uutos.
  • "Paggawa ng liham-pangangalakal"?
    Instrumental
  •  Regulatori - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. 
  • Paglalagay ng karatula sa lugar na pagmamay-ari gaya ng “No Tresspassing”?
    Regulatori
  •  Personal - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
      
  • Pagsulat ng talaarawan tungkol sa naranasan mo sa panahon ng pandemya?
    Personal
      
  •  Imahinatibo - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. 
  • Pagpapahayag ng nararamdaman sa taong sinisinta sa pamamagitan ng pagsulat ng tula at pagbigkas nito?
    Imahinatibo
  • Heuristik - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghihingi ng impormasyon. 
  • Pumunta ka sa isang kumperensiya ngunit hindi mo alam ang tamang daan patungo kaya ikaw ay nagtanong ng tamang direksyon?
    Heuristik
  •  Representatibo - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pag-uulat ng mga pangyayari at pagpapaliwanag ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay, pagpapahayag ng hinuha o pahiwatig sa simbolismo ng isang bagay o paligid.
  • Mga anunsiyo, pagbibigay ng mensahe, patalastas?
    Representatibo
  • Ayon kay Halliday noong 1973 sa kanyang “Explorations in the Functions of Language”, mayroong kategorya na ginagampanan ang wika sa ating buhay. Ito ay pasulat at pasalitang paggamit ng wika.
  • Pasulat - Pagpapadala ng liham sa guro dahil sa hindi pagpasok sa klase sapagkat mayroong sakit.
  • Pasalita - Pag-uusap ng guro at mag-aral sa panahong nagpapasa ng mga sagot sa modyul. Karaniwang ang mga salitang ginagamit ay may paggalang habang nakikipag-usap.
  • Instrumental - (tumutugon sa 
    pangangailangan) 
  • Instrumental [pasalita] - Pag-uutos, pakikitungo 
  • Instrumental [pasulat] - Liham-pangangalakal 
  • Regulatori (kumokontrol o gumagabay sa kilos o asal ng ibang tao)
  • Regulatori [pasalita] - Pagsasabi ng mga paalala tungkol sa mga health protocol.
      
  • Regulatori [pasulat] Pagbibigay ng panuto sa 
    pagsusulit, resipi 
  • Interaksyunal - (nagpapatatag at nagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao). 
  • Interaksyunal [pasalita] - Pag-aayayang  kumain, pagpatuloy sa bahay, pagpapalitan ng 
    biro.
  • Interaksyunal [pasulat] - Pagbuo ng imbitasyon o 
    programa. 
      
  • Personal - (pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon) 
  • Personal [pasalita] - Pormal/di-pormal na 
    talakayan, debate.
  • Personal [pasulat] Pagbuo ng editoryal at 
    pagsulat ng Suring- Basa 
  • Heuristiko  - (paghanap o paghingi ng impormasyon) 
  • Heuristiko [pasalita] - Pagsasagawa ng sarbey 
    tungkol sa pandemya 
  • Heuristiko [pasulat] - Pagsulat ng pamanahong 
    papel, tesis.
      
  • RepresentatiboImpormatibo -(pagsagot sa mga tanong,pagpapahayag ng mga hinuha o pahiwatig)
  • RepresentatiboImpormatibo [pasalita] - Pagbibigay ng impormasyon, pag-uulat.
  • RepresentatiboImpormatibo [pasulat] - pahayagan, mga anunsyo at patalastas 
      
  • Imahinatibo - (pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan) 
  • Imahinatibo [pasalita]-Pagbigkas ng tula, pagganap sa teatro.
  • Imahinatibo [pasulat] - Pagsulat ng sariling tula 
      
  • Types of letters
    • Liham Pasasalamat
    • Liham para sa Kaibigan
    • Liham para sa Magulang
    • Liham Paanyaya
    • Liham Pang Negosyo o Liham Pangangalakal
  • Dayalek
    Tawag sa wikang ginagamit sa isang partikular na pook o lugar