Kilala ito sa sinaunang kasaysayan sapagkat pinag-usbungan ito ng isang maunlad at mayamang kabihasnan sa Hilagang-silangang Africa?
Egypt
Malaki ang papel na ginampanan ng lambak-ilog na ito sa pagunlad ng kabihasnang Egyptian?
Nile River
Dito nagmula ang halos lahat ng mga pangangailangan ng mga Egyptian sa mga panahong sinisikap nilang higit na mapaunlad at mapayaman ang kalinangang kanilang nasimulan?
Nile River
Tinagurian ang Egypt bilang?
"Biyaya ng Nile River" o "The Gift of the Nile River"
Nabuo ang ganap na sibilisasyon sa lambak-ilog ng Nile at pagsapit ng 3100 BCE ay nabuo ang ano bilang isang matatag at mayamang estado?
Egypt
Malaki ang naging ambag ng kabihasnang Egyptian sa pag-unlad ng sibilisasyon ng makabagong mundo dahil sa mataas na antas ng kaalaman ng mga ito sa ano?
Agham
Teknolohiya
Sining
Arkitektura
Ang pinuno ng mga Egyptian sa sinaunang panahon na pinaniniwalaan din nilang diyos?
Paraon (Pharaoh)
Ang panahon sa Egypt kung kailan wala pang mga namuong dinastiya sa kabuuan ng Egypt, Ito ay tinatayang naganap bago ang pagsapit ng 3100 BCE?
Predynastic Period
Isang mahalagang katangian ng Predynastic Period ng Egypt ay ang pagkakalinang ng mga eskribano (scribes) ng sistema ng pagsulat na tinatawag na?
Hieroglyphics
Sistema ng pagsulat sa panahong Predynastic Period na sinasabing ito ay unang ginamit ng mga pari?
hieroglyphics
Ano ang ibig sabihin ng Hieroglyphics?
"Sagradong pag-ukit" o "Sacred carving"
Malaking tulong ito para sa mga sinaunang Egyptian sapagkat dahil dito ay nagawa nilang maitala ang kanilang mga transaksiyon sa pakikipagkalakalan gayundin ang mahahalagang pangyayari sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay?
Hieroglyphics
Noong Predynastic Period ng Egypt, naging maunlad at mayaman ang mga pamayanan, kaya tinawag ang mga dating pamayanan na?
Nomes
Ano ang tawag sa namumuno sa nomes noong Predynastic Period?
Nomarchs
Mula sa mga sinaunang pamayanan at nomes ay nabuo ang isang estado sa Egypt?
Early Dynastic Period
Dalawang kaharian ang nabuo sa sinaunang Egypt mula sa pakikipagsundo at alyansa sa pagitan ng mga pamayanan?
Lower Egypt at Upper Egypt
Alin sa dalawang kaharian ng Early Dynastic Period ng Egypt ang saklaw ang hilagang bahagi ng lupain?
Lower Egypt
Alin sa dalawang kaharian ng Early Dynastic Period ng Egypt ang saklaw ang timog na bahagi ng lupain?
Upper Egypt
Noong 3100 BCE, nangibabaw ang Upper Egypt sa kabuuan ng lupain nang masakop nito ang Lower Egypt noong Early Dynastic Period sa pamumuno ni?
Menes
Pinag-isa niya ang dalawang kaharian na dating magkatunggali at magkahiwalay sa loob ng mahabang panahon noong Early Dynastic Period?
Menes
Nakilala siya sa sinaunang kasaysayan ng Egypt bilang isa sa mga pinakaunang paraon ng unang dinastiyang namuno sa pinag-isang Egypt?
Menes
Noong Early Dynastic Period, sa pamumuno ni Menes, ano ang naging sentro ng Egypt?
Memphis
Noong Early Dynastic Period, humirang si Menes ng ano bilang mga lokal na pinuno sa mga lalawigan?
Gobernador
Tinatayang nabuo ito sa sinaunang Egypt noong 2613 BCE - 2181 BCE?
Old Kingdom o Matandang Kaharian
Ang panahong ito sa Egypt ay binubuo ng ikatlo hanggang ikaanim na dinastiya?
Old Kingdom o Matandang Kaharian
Sa panahong ito itinayo ang mga kahanga-hangang piramide o pyramid sa Egypt?
Old Kingdom o Matandang Kaharian
Ang panahong Old Kingdom o Matandang Kaharian ay itinuring na?
"Age of Pyramids"
Ito ay libingan ng mga paraon na nagsisilbi ring simbolo ng kadakilaan ng kanilang pamumuno?
Pyramid
Mula sa estrukturang ito na pyramid ay mahihinuha ang mataas na kaalaman at kasanayan ng mga sinaunang Egyptian sa larangan ng?
Arkitektura at Geometry
Isa sa mga pinakakilalang pyramid ng Egypt na matatagpuan sa Giza na tinatayang itinayo noong 2560 BCE?
Great Pyramid of Cheops (Khufu)
Ang Great Pyramid of Cheops (Khufu) ay may lawak na?
5.3 ektarya
Ang Great Pyramid of Cheops (Khufu) ay may taas na?
146.7 metro
Ang kahanga-hangang katangian ng Great Pyramid of Cheops ng Egypt ang naglagay rito bilang isa sa?
Seven Wonders of the Ancient World
Kasamang inililibing sa mga pyramid ang ano ng Paraon?
kayamanan at kagamitan
Sa panahon ng unang dinastiya noong Old Kingdom sa Egypt, pinaniniwalaang may mga kasamang inililibing ang mga paraon sa paniniwalang kakailanganin sila ng namatay na paraon sa kabilang buhay?
Alipin
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ilang siglo ang kabuuang haba ng panahon ng pagtatayo ng mga pyramid sa Egypt?
Dalawang siglo
Ilang lugar sa Egypt ang pinatayuan ng mga pyramid?
80
Nang matigil ang pagpapatayo ng pyramid, natuon naman ang atensiyon ng mga paraon sa iba pang mga proyekto kagaya ng pagpapagawa ng kanal na naguugnay saan upang mapabilis ang sistema ng transportasyon?
Red Sea at Nile River
Siya ang itinuturing na pinakahuling paraon mula sa ikaanim na dinastiya sa panahon ng Old Kingdom o matandang kaharian?
Pepi II
Siya ang itinuturing na pinakamatagal na naging pinuno sa buong kasaysayan ng Egypt?