Filipimo

Cards (17)

  • Komedya - ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay nagnagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang namumutawi sa kanyang bibig
  • Iskrip o banghay - ito angang pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng bagay na isinasalang -alang sasa dula ay naayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
  • Gumaganap o aktor - ang mga aktor ang nag sasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang bumibigkas ng dayalogo, sila ang nag papakita ng iba't ibang damdamin; sila ang pinapanood na tauhan sa dula. Sila ang kumikilos at nag bibigaybuhay sa dula; sa tauhan umiikot ang pangyayari
  • Dayalogo - ang dayalogo ay ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may malakas at nakatatagos na mga linyang binibitawan ang mga aktor
  • Dula - ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita , kilos,at galaw.
  • Ang dula ay isang hango sa salitang Griyego na "drama" na katumbas ng salitang tagalog na gawin o kilos
  • Ang dula ay nahahati sa ilang yugtong maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
  • Ang TAGPO sa dula ay ang paglabas-pasok sa tanghalan ng mga tauhan, ang YUGTO ay ang pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari
  • Trahedya - isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang malungkot ngunit may makabuluhang wakas
  • Melodrama o soap opera - nagwawakas na kasiya siya sa mabuting tao bagamat ang uring ito'y may malulungkot na sangkapsangkap. Kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito, at nag tatapos sa kamatayan ng mga bida. Dto malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.
  • Tragikomedya - sa anyong ito ng dula ay mag kahalo ang katatawanan at kasasawian kung saan may mga tauhang katawa - tawa tulad ng payaso para nagsilbing tagapagpatawa subalit sa huli'y nagiging malungkot dahil sa kasawian o kabiguan ng mga mahahalagang tauhan
  • Saynete - itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ang mga huling taon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang paksa nito ay tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo sa knyang pamumuhay, panginginig.
  • Parse - dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kuwento. And mga aksiyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi mag paluan maghampasan at mag bitiw ng mga kabalbalan karaniwang itong mapapanood sa mga comedy bar.
  • Parodya - anyo ng dulang mapanudyo, ginagawa ang nga kakatwang ayos, kilos,pagsasalita , at pag uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya'y pambabatikos na katawa - tawa ngunit may tama sa damdamin ng kinauukulan.
  • Proberbyo - kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain, ang kuwentoy pinaikot ikot dto upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay
  • Elemento ng dula
    Iskrip o banghay
    Gumaganap o aktor
    dayalogo
    tanghalan
    tagadirehe o direktor
    Manonood
    Tema
  • Uri ng dula ayon sa anyo
    Komedya
    Trahedya
    Melodrama o soap opera Tragikomedya
    Saynete
    Parse
    Parodya
    Proberbyo