Pagsasalinan sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan
Pagsulat
Pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t-ibang layunan
Xing at Jin (1989): 'Ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang elemento'
Badayos (2000): 'Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakarami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man'
Keller (1985): 'Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito'
Peck at Bukingham (sa Bernalez, et., 2006): 'Sa pagsulat, ito ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kaiyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa'
Sosyo-kognitibong pananaw
Sosyo - kinalaman ng lipunan sa pagsulat; Kognitibo - pagpapagana ng utak
Intrapersonal at Interpersonal
Ang pagsulat ay kapuwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal
Layunin ng Pagsulat
Layuning ekspresibo
Layuning transaksyunal o panlipunan o sosyal (ugnayan o relasyon sa mga tao na nasa kaniyang lipunang kinabibilangan)
7. Pagrerebisa ng nilalaman (revising) at pagtatam
Bago Sumulat (Pre-Writing)
1. Pag-iisip ng Paksa
2. Pananaliksik
3. Pangangalap ng Paunang Datos
4. Pagbuo ng Balangkas
Pagsulat (Actual Writing)
1. Pagbuo ng Unang Burador (Draft)
2. Pagpapaliwanag at Pagtalakay sa Paksa
Muling Pagsulat (Rewriting)
Pagrerebisa ng nilalaman (revising) at pagtatama ng gamit na wika (editing)
Pinag na Pagsulat
Pagsulat ng pinal na papel na dumaan na sa rebisyon at pagsasaayos
Mapanuring Pagsulat sa Akademya
Pagiging Analitikal
Kritikal
Katangian ng mapanuring pagsulat
Layunin
Tono
Batayang datos
Balangkas ng kaisipan
Perspektiba
Target na mambabasa
Akademikong Pagsulat
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang europeo (pranses: academique, medieval latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo
Teoryang pangkomunikasyon ni Cummins (1979)
Ayon kay Dela Cruz (2016), ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat na nag-aangat ng antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Kailangan ng pamanuring pag-iisip sa ganitong uri ng sulatin
Ayon kay Hartley (2008), ang paggamit ng pormal na tono, paggamit ng ikatlong panauhan, at paggamit ng tumpak na salita ang ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang akademikong sulatin
Halimbawa ng Akademikong Sulatin
Lakbay sanaysay (travelogue)
Panukalang proyekto
Abstrak
Buod ng mahahalagang bahagi ng isang artikulo, pananaliksik-papel, tesis o disertasyon
Akademikong Pagsulat
Ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa
Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo
Sa pagsusulat ng mga akademikong papel, kailangang tandaan ng sino mang mag-aaral ang kinalalagyang akademikong komunidad na may malinaw na inaasahan o ekspektasyon kung paano ginagawa ang akademikong pagsulat
Iba-iba man ang ekspektasyon ng iba-ibang komunidad, may ilang kalikasan ng akademikong pagsulat na sinusunod ng nakararami
Tatlo sa mga ito, ayon kina Fulwiler at Hayakawa (2003), katotohanan, ebidensya, at balanse
Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan
Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad
Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento ay kailangang
Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw
Katangian ng Akademikong Pagsulat
Kompleks
Pormal
Tumpak
Obhetibo
Eksplisit
Wasto
Responsable
Malinaw na layunin
Malinaw na pananaw
Kompleks
Ang pagsulat ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano mang pasulat na gawain
Pormal
Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balal na salita at ekspresyon
Tumpak
Sa akademikong pasulat, ang mga datos tulad ng facts at figures ay inalalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang
Obhetibo
Ang akademikong pagsulat sa pangkalahatan ay obhetibo, sa halip na personal. Ang pokus kasi nito kadalasan ay ang impormasyon nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa
Eksplisit
Ang akademikong pagsulat eksplisit sa ugnayan sa loob ng teksto. Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t-ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t-isa. Ang ugnayang ito ay nagagawang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang signaling words sa teksto
Wasto
Ang akademikong ay gumagamit nang wasto ng mga bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nitosa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat
Responsable
Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidesnya, patunay o anomang nagpapatibay sa kanyng argumento. Kailangan din niyang maging responsable sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kaniyang ginamit kung ayaw niyang maparatangan na isang plagyarista
Malinaw na layunin
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin. Ang mga layuning ito ay tatalakayin sa kasunod na bahagi ng kabanatang ito