Miliminas – pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa Dagat Pasipiko.
Mik – tawag sa pera
Bathing suit – pormal na damit ng kababaihan.
Mikinaryo – tawag sa taong may isang milyong mik
Public disservice commission – nagpapatupad ng equality before the kilo
Not overspeeding – parusa sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan.
Nawasdak – ang serbisyo nila sa tubig.
Malinis na tubig – para sa mayayaman
Marumi na tubig – para sa mga marunong magtrabaho
Hangin na lang at walang lumalabas na tubig – libre lang at para sa mahihirap
Equality before the kilo – paglalagay ng mga kiluhan sa mga upuan ng sasakyan upang maging batayan ng kanilang pamasahe.
Patay electrik company – monopolyo ng kuryente
Light service – nagbibigay ng ilaw araw at gabi
Brownout service – nagbibigay ng ilaw kung hindi na kailangan
Anti-genuine commission – humuhuli sa mga tumatanggap ng genuine na lagay at nagpaparusa sa mga mataas na opisyal na tumaba sa serbisyo at naglabas ng resolution at genuine na batas
Super blackmarket – ang pinakamalaking tindahan nila na napipinturahan ng itim. Lahat ng may genuine na tinda ay hinuhuli
Buwaya – matataas na opisyal ng pamahalaan
Tatlong Santo: Mik, Santasa, at Buwaya
Dungis ng Lipunan – Kabataan na gumawa ng rebolusyon
Circus of Miliminas – ang Batasan. Nagpapalabas ng dalawang uri ng batas: isa sa mayaman at isa sa mahihirap