mga kagamitan at paraan sa pagtatanim

Cards (32)

  • Matabang lupa - Dapat na mataba ang lupang pagtatamnan upang madaling makapagpatubo ng malusog na halaman.
  • Sikat ng Araw - Dapat masisikatan ng araw ang taniman sapagkat dito nakagagawa ng pagkain ng mga halaman. Tinatawag ang prosesong ito ng photosynthesis.
  • Irigasyon - Dapat malapit sa pagkukunan ng tubig na pandilig ang pagtatamnan.
  • Pangangalaga ng Tanim - Pagdadamo, Pagdidilig, Pagbubungkal, Pagbabakod, Pagkokontrol ng peste.
    1. Paghahalaman mula sa bato - Ito ay ginagamit kapag nais paramihin ang iba't-ibang uri ng punla.
  • 2. Pagpuputol (Cutting) - Ito ang pagpuputol ng bagong tubong bahagi ng halaman at pagpapatubo muli nito na hiwalay sa pinanggalingang tanim.
  • 3. Grafting - Ito ang pagsasamba ng supling (scion) ng isang halaman sa rootstock ng ibang halaman upang tumubo nang makasama ang dalawa.
  • 4. Budding - Ito ang pagpapasok ng supling sa piling sanga o balat ng kahoy na pinagmulan.
  • 5. Layering - Ito ang pagpaparami ng ugat.
  • 6. Marcotting - Ito ay paraan ng pagpaparami ng halaman kung saan nagpapaugat sa isang part ng sanga.
  • Dulos - Ginagamit ito sa pagtatanim ng mga punla at pagbubungkal ng malaking halaman.
  • Pala - Ginagamit itong panghalo at pambungkal ng lupa.
  • Asarol - Ginagamit itong panghukay, pambungkal, at pantipak ng lupa kapag magsisimula pa lamang magtanim.
  • Kalaykay (Rake) - Ginagamit itong pamantay ng taniman at pang-ipon ng mga tuyong dahon at dumi ng hayop.
  • Karet - Ginagamit itong panggapas o pamutol ng damo.
  • Gulok - Ginagamit itong pamutol ng mga sanga ng mga punongkahoy at bungangkahoy na nakasasagabal
  • Regadera - Ginagamit itong pandilig ng halaman.
  • Atomisador - Ginagamit itong pangwisik ng halaman kapag inaatake ng peste.
  • Piko - Ginagamit itong pamutol ng ugat kapag naghuhukay at nagkakanal.
  • Tinidor (Spading Fork) - Ginagamit itong panghukay at panghalo ng pataba ng lupa.
  • hasaang bato - Ginagamit itong pampatalas ng
    kagamitan
  • Panukat/Medida - Ginagamit itong panukat ng taniman.
  • Kartilya - Ginagamit ito upang mandala ang mga kasangkapan at lupa sa pagtatanim.
  • Bareta - Ginagamit itong panghukay ng malalaking butas.
  • Panggupit - Ginagamit ito bilang pamutol ng matataas na damo at mga tuyong sanga ng dahon.
  • Light Hoe - Ginagamit itong pang-ayos ng mga nasirang kanal o punlaan.
  • Shovel - Ginagamit itong pantaggal ng graba at pangdamo.
  • Sharp Knife - Ginagamit itong panghiwa at pamutol.
  • Pruning Shear - Ginagamit itong pamutol ng mga sanga.
  • Ang abono ay sustansiyang kailangan ng mga tanim para maging malusog at mamunga nang masagana.
  • Ang organikong abono ay nanggagailing sa mga sariwa o nabubulok na bahagi ng halaman.
  • Ang di organiko o komersiyal na abono ay mga abonong nabibili o nakahanda na.