Kahariang Kush

Cards (20)

  • Ang Kush ay matandang kaharian sa Hilagang-Silangang Aprika, at sa timog ng Ehipto.
  • Ang Kush ay nasa gitna ng Ehipto at Sudan.
  • Sumibol ang Kush sa rehiyong Nubia.
  • Ang “Nubia” ay mula sa salitang Ehipto na “nebew” na ang ibig sabihin ay “ginto”.
  • Ang mga Kushites ay dating nasa ilalim ng kapangyarihan ng Ehipto.
  • Nang nagsimula na humina ang Ehipto, nagdeklara ang mga Kushites ng kanilang kasarinlan at sinimulan nilang sakupin ang mga lupain noong 800-750 BKP.
  • Pagdating ng 730 BKP, nalukob ng mga Kushites ang Ehipto at ang namuno ang hari ng mga Kushite bilang bagong paraon.
  • Aktibo sa pagsasaka at kalakalan ang mga Kushite.
  • Mahirap magtanim noon dahil ang tubig na pinapadaloy sa mga taniman ay mula pa sa Ilog Nile na mga 90 kilometro ang layo.
  • Nagtanim ang mga Kushite ng mga trigo, barley, millet, at bulak.
  • Nagalaga din sila ng mga hayop gaya ng kambing at tupa.
  • Ang ginamit na wika ng matandang Kush ay tinawag na Meroitic.
  • Sila ay gumawa ng mga asarol, sibat, kutsilyo, at iba pang kasangkapan at kagamitan.
  • Maraming gawa ng bakal ang ipinagpalit nila sa mga produktong mula India, Arabia, at Tsina.
  • Sila ay gumawa ng mga piramide.
  • Mahigit 200 piramide ang itinayo sa necropolis (napakalaking sementeryo) ng Meroe.
  • Ang ilang labi ng piramide sa Meroe ay idineklarang UNESCO World Heritage Site.
  • Gumawa sila ng mga alahas, karaniwang ginto.
  • Nagsimulang humina ang kabihasnang Kush nang magapi ng mga Romano ang mga Kushite.
  • Noong 350 CE ay bumagsak na ang kaharian, at mga piramide na lamang makikita sa ngayon doon.